Breaking News

Sino ang Bayani Mo?

National Heroes Day. Araw ng mga Bayani. Mga Pilipinong nagbuwis ng buhay, nakipaglaban para sa ikabubuti ng lahat, nagsilbing huwaran at tinaguriang bayani.

Paano mo maituturing na bayani ang isang tao?

Maraming bayani ang patuloy na lumalaban araw-araw. Gumigising na may adhikaing patuloy na pagbutihin ang trabaho para sa ikabubuti ng pamumuhay ng pamilya.

May nagtitiis ng distansya at lungkot sa pagkakalayo sa mga mahal sa buhay para sa magandang buhay at maunlad na kinabukasang pinapangarap para sa kanila.

May mga bayaning nagtyatyaga sa ilalim ng init ng araw, nakikipagbuno sa bigat ng trabaho at responsibilidad kapalit ang kakarampot lamang na kita.

May mga tahimik na bayani, mga bayaning palihim lamang na gumagawa ng malaking kabutihan para sa kapwa.

May mga lantaran ang kabayanihan sa madla. Nasa dyaryo, nasa TV, nasa Internet. Mga bayaning ginawang ‘star’ ng media.

Maraming bayani ang patuloy na nabubuhay, nagsisikap, nagmamalasakit, nagmamahal, naglilingkod.

Salamat. Salamat sa kabutihang ginagawa ng mabuti mong mga kamay.

Sino ang bayani mo? Ang iyong mga magulang? Kapatid? Kaibigan? Katrabaho? Iniidolong celebrity? O ang iyong sarili?

Saludo kami sa bawat bayaning Pilipino. Sa ‘yo na nagbabasa nito, maaaring hindi mo alam, pero baka sa sarili mo ay may isang bayaning naghihintay na magising. Maaaring tinatamad pa lang o hindi pa alam ang kanyang silbi.

Lahat tayo pwedeng maging bayani. Nasa sa atin kung paano natin ito tatanggapin.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DiveWithGab Plunges Deep, Shares Awesome Under Water Photos of Batangas

The province of Batangas brims with natural wonders. From the paved (and unpaved!) trails that …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.