Ngayong panahon ng tag-ulan, laganap na naman ang sakit. Kakaiba pa naman ang panahon ngayon, sobrang init kapag tila, mistulang signal number one naman kapag bumubuhos ang ulan. Di ba ga’y nakakahina nga naman ng resistensya. Pihadong uso na naman ang ubo, sipon at kung anu-ano pa. And for sure ay ayaw ating mabiktima, It’s better to be ready than sorry, tama? Kaya ito ang ilan sa aming nasaliksik na sana ay makatulong sa ating lahat para maka-iwas sa sakit.
Ilan lamang ang mga sumusunod na common diseases na laganap kapag panahon ng tag-ulan: sipon, ubo, lagnat, trangkaso at gayun din ang ilan pang respiratory and pulmunary diseases. Kapag ganitong panahon din ay kalimitang delikado ang ating kalusugan sa iba’t ibang gastrointestinal diseases, nandyan ang amoebiasis, salmonellosis, shigellosis at kung minsan pa nga ay hepatitis A na karaniwang bunga ng contamination ng ating pagkain at tubig. Gayundin, laganap rin ang mga insekto tulad ng lamok na maaring magdala ng mga karamdamang tulad ng malaria at dengue. At sa huli ay idagdag pa natin ang mga sakit na sanhi ng baha at maduming kapaligiran tulad ng leptospirosis, dermatitis and other skin infections.
And so now, how do we prevent these diseases from attacking our families and home? Ito ang ilan sa mga paraan:
- Maintain a balanced diet. Kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng mga prutas at gulay na mayaman sa Vitamin C.
- Palaging magdala ng payong para protektado tayo sa ulan at gayundin sa matinding sikat ng araw. Maari din tayong mag-prepare ng hand towels or jacket para handa tayo sakaling mabasa ng ulan/li>
. - Uminom ng higit pa sa walong basong “malinis” na tubig. Siguraduhing hindi kontaminado ng kahit anong mikrobyo ang inuming tubig. Kung may pagdududa, pakuluan muna ang tubig at palamigin bago inumin.
- Wash your hands constantly. O kaya naman ay ugaliing magdala ng mga hand sanitizers or alcohol.
- Wash and cook food thoroughly before eating. Kung mga raw foods tulad ng ilang gulay at mga prutas, siguraduhing nahugasan ng mabuti ang mga ito bago kainin.
- Get plenty of rest and protect yourself from the cold and rain. Iwasan rin ang pagpupuyat dahil nakakapanghina ito ng ating mga resistensya.
- Remove all puddles from forming, to prevent mosquito breeding. I-check ang bakuran at loob ng tahanan kung may mga lugar na maaring pamahayan ng mga lamok at kiti-kiti.
- Kung may mga nararamdaman na, Avoid self-medication or home remedies. Mas makasisiguro tayo kung kukunsulta tayo sa mga doktor. Huwag nating panghinayangan ang pera, health is wealth at mas makakapagtrabaho tayo kung malakas at malusog ang ating katawan.
- And lastly, avoid contact with sick people. Huwag tayong pahawa sa sakit.
Alright mga kababayan, sana naman ay maiwasan natin ang sakit ngayong tag-ulan. Mahirap na, sayang naman ang ating hard-earned money kung mapapapunta lang sa hospital at gamot. Kaya sundin ang aming mga payo para STAY HEALTHY tayo!