Breaking News

Tara, tayo’y maglupak!

Ano ang usual gimik or trip nyo ng barkada ngayon? Uso pa ga ang lupakan? Mukhang kasabay ng pagsulpot ng mga malls and other pasyalan dito sa atin sa probinsya at sa mga kalapit lalawigan, ay ang pagkawala ng sa palagay namin ay isang napakagandang bonding gimik for barkadas, ang paglulupak.

Baka naman di na rin alam ng ilan sa atin kung ano ang nilupak? May dalawang uri ng nilupak, merong nilupak na kamote (usually kamoteng kahoy) at nilupak na saging na saba. Gumagamit ng lusong (huge wooden mortar and pestle) sa paglulupak. Gamit ang mabigat na lusong na ito, binabayo ang nilagang kamote o saging para mas maging pino. Inihahalo na rin minsan ang mantikilya, gatas at asukal para mas luminamnam.

Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng iba’t ibang bersyon ang nilupak. Nagsulputan na rin ang iba’t ibang recipes. Merong may pinipig, minsan may latik, at kung anu ano pang mga toppings gaya ng keso na mas magpapasarap dito. Mas naging madali na rin ang paggawa nito, good bye lusong na tayo dahil sa makabagong teknolohiya.

Pero bakit nga ga ito gustong gustong gawin ng mga kabataan noon bukod sa pag-oouting sa Lemery? (hehe) Bakit hindi na ito nangyayari ngayon? As we can see, everything is instant now. Kahit saan yata makakabili ka na ng nilupak. Sa palagay ko ay nagpapasaya sa barkada ang preparation at pounding part o yung pagbabayo. Yung pagtatalop ng kamote o saba, Yung pag usong sa lusong. Yung shifting sa pagbabayo. at yung mga huntahan at walang humpay na tawanan in between all these. And lastly, yung pagkain rin ng nilupak na inilatag sa bilao na sinapnan ng dahon ng saging.

Ngayong panahong ito, maririnig kaya natin ulit ang: “Tara! Tayo’y maglupak,” mukhang hindi na yata.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

How to Cook Tilapia Maki: Winner of 2nd Laurel Tilapia Cook Fest

Chef Victoria “Tito Vic” Artillaga of Barangay Poblacion 5, with a sumptuous Tilapia Maki, bested …

No comments

  1. “Ano ang usual gimik or trip nyo ng barkada Ngayon?”

    “if kau po ang ttanungin nito(year 2010)…pno nyo po sxa ssgutin?(“,)…”

    :)thank you..

  2. Kabayan, ala ba tayo picture diyan ng naglulupak? yun me nagbabayo sa lusong… nasa kahon na yun nasa larawan eh. tsaka hindi na iyan ang nilupak na naalala ko noon nilalagay laang namin sa dahon ng saging pagkahango sa lusong hehehehehe!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.