Marami ang mga kakatwa na pangalan ng barangay sa Batangas pero para hindi na kayo maliyo sa pagpili ay gumawa na kami ng shortlist.
Sa 28 pangalan ng mga barangay na pinagpilian, 10 ang humakot ng pinakamaraming boto sa listahan. Yan ay base sa survey na ito, kung saan 370 Batangueños ang bumoto at malamang ay napa-umis habang binabasa ang buong listahan. Bumoto ka ga?
Paalala, hindi namin intensyon na pagtawanan ang mga barangay na nakasama sa survey dahil ito naman ay ayon sa English translation nito:
kakatwa adj. 1. strange; 2. eccentric; 3. outlandish; 4. odd but pleasing
At ang sampung (10) napiling pinaka-kakatwang pangalan ng barangay sa Batangas ay ang mga sumusunod.
10. Inicbulan, Bauan (4%, 16 votes)
9. Ping-as, Alitagtag (5%, 18 votes)
8. Galamay-Amo, San Jose (5%, 18 votes)
7. Mataywanac, Tuy (6%, 21 votes)
6. Balakilong, Laurel (6%, 22 votes)
5. Bilog-Bilog, Tanauan (6%, 23 votes)
4. Utod, Nasugbu (8%, 29 votes)
3. Maalas-as, Rosario (8%, 31 votes)
2. Taklang Anak, Calaca (17%, 62 votes)
1. Jaybanga, Lobo (37%, 138 votes)