What’s your favorite OPM Christmas song? Whether it’s in Tagalog or English, as long as it has that ‘tatak Pinoy’; whether it’s a happy or a sentimental one. What’s in your Christmas playlist?
Let’s divide the list into two groups, the upbeat Pinoy Christmas carols we often hear kids sing when they do caroling and the sentimental Filipino Christmas songs which makes us reminiscing.
Top 5 Famous Pinoy Christmas Carols
1. Ang Pasko ay Sumapit
Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsi-awit
Ng magagandang himig
Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig
Nang si Kristo ay isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawat isa
Ay nagsipaghandog ng tanging alay
Bagong taon ay magbagong-buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo’y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganaan
Tayo’y mangagsi-awit
Habang ang mundo’y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng Sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan
2. Pasko na Naman
Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko
Dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko
Tayo ay mag-awitan
Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli!
Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli!
Ang pag-ibig naghahari!
3. Sa may Bahay ang Aming Bati
Sa maybahay ang aming bati
‘Merry Christmas’ na maluwalhati
Ang pag-ibig ‘pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi
Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakaling kami’y perhuwisyo
Pasensya na kayo’t kami’y namamasko.
4. Kumukutikutitap
Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganyan ang indak ng mga bombilya
Kikindat-kindat, kukurap-kurap
Pinaglalaruan ang iyong mga mata
Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
Koronahan ng palarang bituin
Iba’t ibang palamuti
Ating isabit sa puno
Buhusan ng mga kulay
Tambakan ng mga regalo
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
‘Wag lang malunod, sasabihin
(Pupulu-pulupot) Paikot nang paikot
Koronahan ng palarang bituin
Dagdagan mo pa ng kendi
Ribbon eskoses at bonita
Habang lalong dumadami
Regalo mo’y dagdagan
5. Noche Buena
Kay sigla ng gabi
Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok na tinola
Sa bahay ng Kuya ay mayro’ng litsonan pa
Ang bawat tahanan may handang iba’t iba
Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro’n na tayong
Tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko
Top 5 Sentimental Filipino Christmas Songs
1. Pasko na Sinta Ko
Pasko na sinta ko hanap-hanap kita
Bakit magtatampo iniwan ako
Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Pasko, inulila mo
Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak
Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Paskong alay ko sa’yo
Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak
Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang paskong alay ko sa’yo
2. Sana Ngayong Pasko
Pasko na naman
Ngunit wala ka pa
Hanggang kailan kaya
Ako’y maghihintay sa iyo
Bakit ba naman
Kailangang lumisan pa
Ang tanging hangad ko lang
Ay makapiling ka
Ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na
Nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka
At makasama ka
Sa araw ng Pasko
Pasko na naman
Ngunit wala ka pa
Hanggang kailan kaya
Ako’y maghihintay sa iyo
Bakit ba naman
Kailangang lumisan pa
Ang tanging hangad ko lang
Ay makapiling ka
Sana ngayong Pasko…
3. Sa Araw ng Pasko
‘Di ba’t kay ganda sa atin ng pasko
Naiiba ang pagdiriwang dito
Pasko sa ati’y hahanap-hanapin mo
Walang katulad dito ang pasko
At sa noche buena ay magkakasama [Chorus:] Ang pasko ay kay saya kung kayo’y kapiling na
Sana pagsapit ng pasko, kayo’y naririto
Kahit pa malayo ka, kahit nasaan ka pa
Maligayang bati para sa inyo sa araw ng pasko
Sa ibang bansa’y ‘di mo makikita
Ang ngiti sa labi ng bawat isa
Alam naming hindi n’yo nais malayo
Paskong pinoy pa rin sa ating puso
(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus)
At naglalakihan pa ang christmas tree, ang christmas tree
(repeat chorus except last 4 words)
(repeat chorus)
4. Himig Pasko
Malamig ang simoy ng hangin
kaysaya ng bawat damdamin
ang tibok ng puso sa dibdib
para bang hulog na nang langit
Himig Pasko’y laganap
mayrong sigla ang lahat
wala ang kalungkutan
lubos ang kasayahan
Himig ng Pasko’y umiiral
sa loob ng bawat tahanan
masaya ang mga tanawin
may awit ng simoy ng hangin
Para bang hulog na ng langit
5. Christmas in Our Hearts (I put this one under the sentimental category for the meaning inculcated in it)
Whenever I see girls and boys
Selling lanterns on the street
I remember the child in the manger as he sleeps
Wherever there are people
Giving gifts exchanging cards
I believe that Christmas is truly in our hearts
Let’s light our Christmas trees for a bright tomorrow
Where nations are at peace,
And all are one in God
This season may we never forget the love we have for Jesus
Let him be the one to guide us as another new year starts
And may the spirit of Christmas be always in our hearts
In every prayer and every song
The community unite celebrating the birth of our savior Jesus Christ
Let love like that starlight on that first Christmas morn
Lead us back to the manger where Christ the child was born
So come let us rejoice
Come and sing the Christmas carol with one big joyful voice
Proclaim the name of the Lord
(repeat chorus)