Breaking News

Abot Kayang Porma Tips for Batangueños

Tayong mga Batangueño, or sabihin na nating mga Pinoy in general, mahilig tayo sa mga discounts at freebies sa pagkain, sa mga appliances, sa mga recreational activities, at kung ano ano pa. Lalo na pagdating sa mga clothing items in which we express our personal style.

I was roaming around earlier at SM City Lipa with Paris Silva, a Personality Development teacher and model, and we were searching for items which are both stylish and functional. Since rainy season naman, we looked for items fit for rainy days pero pwede pa ring gamitin all throughout the year. At dahil 3-Day Sale, very affordable pa ang prices.

It was only now I’m writing this that I realized na kahit sabihin mong hindi ka “fashionista”, may personal style ka pa rin. Some of us may say “simple lang ako, ayoko ng maporma”. Then that’s your fashion sense, your fashion style – simple, may be casual or laid back.

7Yung iba naman, todo kung pumorma. They feel the need to be presentable all the time. Stylish clothes with matching accessories. Alam n’yo yung pormang “mahal”? Not Mahal na comedienne ha. Pormang “mahal” as in akala mo libo-libo ang ginastos para lang sa isang buong outfit when in fact, nadala lang ng tamang styling plus confidence kaya ang ganda ng dating! Artistahin!

Kagaya kanina sa isang world-class Filipino clothing brand, yung mga pants nila are available with 50% discount. You can get high quality jeans for only P499! Pormang Coco Martin at Taylor Lautner sa murang halaga.

Eto madalas reklamo ng mga guys ng WOWBatangas. Bakit daw ang mga babae, sa P400 eh may magandang sapatos nang nabibili? Minsan buy 1 take 1 pa! A pair of comfortable, waterproof ballet flats, P399 lang sa Department Store. And two (2) canvas tote bags, yung tipong bitbit mo na ang buong kwarto mo sa laki ng space, ay available for only P299! One for you and the other one iregalo mo sa mother or sister mo.

Normally, mapapansin n’yo, mas mahal pa ang damit at accessories na pambata kesa sa mga pangmatanda. Kahit kami nagtataka rin. Eh ang liit lang naman ng telang kelangan. Haha. So it was kind of surprising to see a cute trendy coat for kids na P250 lang ngayon from its original price na P499.75. Sulit!

Tried and tested tips kapag may mallwide sale? Una, pumunta kayo ng maaga. Pangalawa, umikot muna bago mamili. Kung alam nyo na yung mga gusto nyong bilhin, stick to your list muna. Later on na yung mga iba pang pwedeng mabili. Pangatlo, check the quality. Hindi porke mura eh lagay agad sa shopping bag. At panghuli, wag mag-shopping nang gutom.

So if you want to fuel up before shopping, better have a complete meal na pangmaramihan na, abot kaya pa! Like the meal we had sa Pizza Hut SM Lipa Branch. We had fresh veggie salad, pizza, and pasta na talagang bumusog sa amin. Thanks to the management and crew who gladly served us. 🙂

This blog post is sponsored by SM City Lipa.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Miss Lipa Tourism 2024 Bares Candidates at Solano Hotel

15 dashing candidates of the 2024 Miss Lipa Tourism (2024MLT) braved the stage and posed …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.