Having a diabetic family member needs a closer attention as we have to be more supportive and understanding of their condition. Each family member should know the diabetic diet and the immediate response to any changes in the patient’s situation.
We would like to commend Batangas City Health Office for the programs they have done in observance of the Diabetes Awareness Month here in the Philippines.
PRESS RELEASE
July 7, 2010
Public Information Office
Iba’t ibang serbisyo ang ipinagkakaloob ng City Health Office sa mga pasyenteng may diabetes sa pag-obserba ng Diabetes Awareness Month ngayong Hulyo.
Ayon kay Dr. Dinnah Lucero, medical officer IV, nais nilang mas mapalawak ang serbisyo para sa may 600 pasyente ng diabetes sa lunsod at ipinagmamalaki niya na sa loob ng sampung taon ay tuluy-tuloy ang suporta ng pamahalaang lunsod para sa programang ito.
Sa unang Miyerkules ng buwan naka schedule ng consultation ang mga taga-City Hall kung saan pila ang mga kawaning nagpapatingin. 7:30 pa lamang ng umaga ay naghihintay na ang mga pasyente na matawag ang kanilang pangalan upang ma-check-up.
Kapag natapos na dito ay maaari nang pumunta ang mga pasyente sa Gusaling Pangkalusugan at doon ay may nakahandang seminar. Ipinaliwanag dito ang kaibahan ng may mataas at mababang blood sugar, mga sintomas nito at kung ano ang mga wastong pagkain at mga dapat iwasang pagkain.
Isa si Aling Susana Zarate, 85 taong gulang sa mga laging nagpapakonsulta dito. Sa loob ng sampung taon ng kanyang pagkakaroon ng diabetes ay palaging naka-agapay ang Pamahalaang-Lunsod sa mga katulad nilang may diabetes.
Samantala, natutuwa naman si Aling Norma Abacan ng Brgy 13 sa mga libreng gamot para sa high-blood, cholesterol at diabetes. Bukod sa libreng konsulta, libre rin ang gamot at upang maiwasan ang sakit, sumasailalim ng seminar tungkol sa pag-iwas sa diabetes ang mga pasyente. (Dimpy Lontoc –Matienzo, PIO Batangas City)