Breaking News

Funding at repair ng Calumpang bridge, tinalakay

Kaninong responsibilidad nga ba ga ang pagpapagawa ng Calumpang Bridge? Magiging isang mabigat na problema ito ng lungsod ng Batangas sakaling tuluyang humuna at masira ang nasabing tulay. Heto ang ulat mula sa PIO Batangas hango sa talakayang naganap kamakailan lamang.

Nagpatawag ng pagpupulong si City Mayor Vilma Abaya Dimacuha sa mga konsernadong ahensya at media practitioners upang malinawan ang tunay na kalagayan ng Calumpang Bridge at matukoy kung sinong ahensiya ang magpapagawa nito.

Dumalo sina Divina Huang, isang engineer at Nicasio Antonio ng 2nd District ng Batangas, Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang kinatawan ni District Engineer Wilfrido Oroles. Kinatawan ni City Administrator Phillip Baroja si Mayor Dimacuha kasama sina City Engineer Adela Hernandez; Architect Maria Fe Vellon ng Transportation Development and Regulatory Office o TDRO at Engr. Francisco Berredo, OIC ng DSS.
Sa isyu ng kung kaninong responsibilidad ang pagpapagawa ng naturang tulay, ayon kay Engr. Huang wala silang mapagkitaan ng plano at turn-over ng pagawaing ito sa opisina ng DPWH. Sa buong Pilipinas, may 7,160 tulay at lahat ito ay may Bridge ID. Aniya wala sa listahan ang Calumpang Bridge. Mandato sa DPWH ang pagpapagawa ng mga city at national roads, bridges, waterways at flood control projects.

Masasabing isang national project ang tulay kung ito ay nakakonekta sa isang national road, dagdag pa ni Huang. At ang Calumpang Bridge ay nakakonekta sa Don Manuela Pastor Avenue na hindi pa rin naiturn-over sa kanilang opisina. Bagamat ito ay ginawa ng DPWH Regional Office, masasabing wala pa sa kanilang jurisdiction ito. Dahilan sa walang mapagkitaan ng plano at implementasyon ng naturang proyekto, ayon kay Huang ay nagsagawa sila ng conversion, kabilang dito ang inventory at inspection.

Sa kaso ng Calumpang Bridge, hiniling ni Oroles na personal itong bisitahin ni Engr. Rufino Valiente ng Bureau of Design, DPWH Central Office noong noong nakaraang Hunyo. Dito nakita ang mga cracks sa unahang bahagi ng tulay patungong SM Pallocan West. Tinataya na P20M ang halaga ng repair. Ani Huang, mahalagang dokumento ito upang maaprobahan ng budget. Naisumite na nila ang papeles sa Planning Division ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa naturang dibisyon ng planning, dadaan ito sa Director at pagkatapos ay sa DPWH Assistant Secretary, Undersecretary ng DPWH at Department Secretary. Ayon kay Huang, maximum na 5 working days bawat isang lebel at umaasa siya na hindi magtatagal at maiiakyat ito sa ahensya na magpupundo nito sa halagang P20M.

Ayon kay Baroja, tagapatnugot ng pagpupulong, kailangan ay may mga safety measures upang maiwasan ang trahedya na nangyari sa Bridge of Promise na ikinaputi ng dalawang buhay bunga ng pagbagsak ng tulay sa kasagsagan ng bagyong Santi.

Nauna rito ay ginawang one way ang tulay para sa mga motorista. Binabantayan na rin ng mga tauhan ng Defense and Security Services ang naturang tulay sa gabi at medaling araw upang maiwasan ang pagdaan ng mga heavy trucks na maaaring magdulot ng tuluyang pagkasira ng tulay.

Tinalakay din ni Huang ang estado ng sira ng tulay kung saan nakapatong ang tulay sa apat na girder. Nakatakdang sukatin ng grupo ni Huang ang distansiya ng second girder sa first girder na dulo ng tulay papuntang SM. Ang unang girder aniya ay marami nang cracks kung kayat kung hindi maiingatan ang 2nd girder ay baka madaling bumigay ang iba pang bahagi ng tulay. Maglalagay ang TDRO ng barrier simula sa 2nd girder para sa mga dadaang mga behikulo at iaadjust ang barrier para mapangalagaan ang tulay.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

2020 : Ang WORST YEAR ng BATANGAS | Banas Daily

Pinaka masamang taon na nga ata ang taong 2020 para sa atin. Nariyan ang sunod …

No comments

  1. kelangan pb n gumuho yng tulay n yn bago umaksyon ang kinauukulan?F d national gov’t can’t decide now i think d city gov’t can make d initiatives. 20 million lng, kapalit ng peligro s buhay ng bawat batanguenong dumadaan s calumpang bridge.ala b pera ang city gov’t?sabihin nting me pera pero d laan pr s tulay n un, mas importante pb ang anumang proyekto kesa s kaligtasan ng bawat isang batangueno?Nasan ang pork barrels ng ating mga magigiting n Congressmen. Apat po ang congressmen ng Batangas. Db cla pwd mag-ambag ambag pr mkabuo ng 20million?for humanitarian reason pwd nmn cgurong ipagpaliban ang ibang mga project s kanikanilang jurisdiction since calumpang bridge is in dire nid of financial assistance.Mga sir, wag n po nting hintayin n maulit ang nangyari s bridge of promise pagkatapos e magpapasahan lng ng sisi s bandang huli..salamat po

  2. kelangan p b n me magbuwis ng buhay bago umaksyon ang mga kinauukulan?F d national gov’t can’t decide now d city gov’t can take d initiatives.Ala b pondo ang lungsod ng Batangas? Bk nmn meron un nga lang d nkalaan pr s renovation ng tulay.Db pwd ipagpaliban ang ibang project since buhay ng bawat isang dumaraan s tulay n yn ang nakasalalay?Asan po ang mga pork barrels ng ating mga magigiting n congressmen.Apat po sila, db cla pwd magcontribution pr mklikom ng halagang 20million? Db pwd isakripisyo muna ang kanilang mga pet projects s knikanilang jurisdiction since ang calumpang bridge ang nangangailangan ngayon ng pangunahing atensyon?kelangan p bang maulit ang trahedya s bridge of promise bago umaksyon ang mga kinauukulan at sa bandang huli ay magpapasahan lng cla ng sisi.”LGC sec3(f) Local government units may group themselves, consolidate or coordinate their efforts, services, and resources for purposes commonly beneficial to them” ngayon po natin kelangan ito mga kapwa q batnagueno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.