Breaking News

Libreng Bakuna kontra AH1N1 ipamimigay sa lungsod ng Batangas

Magandang balita mga kababayan sa Batangas City! Ang banta ng AH1N1 ay maari nang maibsan. Mamimigay ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Batangas ng libreng bakuna laban sa AH1N1 o mas kilala sa tawag na Swine Flu. Heto ang kumpletong report ukol sa libreng AH1N1 vaccine distribution mula sa PIO Batangas City. (Sana ganito rin sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa buong probinsya. Para safe na safe tayong lahat laban sa AH1N1)

Namimigay ng libreng bakuna laban sa AH1N1 ang City Health Office sa Batangas City upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan laban sa mapanganib at nakahahawang sakit na ito.

Nauna nang tumanggap ng bakuna mula sa Department of Health ang may 811 public at private health workers sa lunsod kabilang dito ang City Health Office, lying-in clinics, barangay health workers, barangay nutrition scholars, barangay service point officers, mga clinic teachers ng Department of Education at private school doctors at nurses. Kabilang din ang mga nagtatrabaho sa mga pribadong ospital kagaya ng Jesus of Nazareth, St. Patrick at Golden Gate Hospital.

Ngayong taon lamang nagkaroon sa bansa ng bakuna laban sa AH1N1 o swine flu na ang mga sintomas ay lagnat, masakit ang ulo, panghihina at pananakit ng katawan , walang ganang kumain, sipon, ubo at namamagang lalamunan.

Matatandaan na Marso nang nakaraang taon nagkaroon ng kaso ng nasabing sakit mula sa mga turistang dumating sa Pilipinas. May naitayang 11 biktima ng AH1N1 sa lungsod noong isang taon ayon sa tala ng City Health Office.

Bukod sa mga healthworkers, prayoridad ding mabakunahan ang mga buntis, mga batang limang taong gulang pababa, mga may edad 60 pataas, may mga chronic illness tulad ng HIV, diabetes, hika at iba pa.
Bagamat meron ng bakuna para sa AH1N1, pinapayuhan pa rin na pangalagaan ang katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang prutas at gulay at uminom ng vitamins na pampalakas ng resistensya. – Dimpy Lontoc – Matienzo, PIO Batangas City

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

2020 : Ang WORST YEAR ng BATANGAS | Banas Daily

Pinaka masamang taon na nga ata ang taong 2020 para sa atin. Nariyan ang sunod …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.