Liza P. delos Reyes, PIO Batangas City
Ipinahayag ng mga batang mag-aaral ng lungsod ng Batangas ang kanilang mensahe hinggil sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pagsali sa mga patimpalak na bahagi ng “Pista ng Kalikasan”.
Ang mga patimpalak na ito ay ang mga sumusunod: Sigaw!Sayaw Panglikasan na sinalihan ng mga highschool students; Makakalikasang Sabayang Pagbigkas para sa mga nasa elementary at Guhit Para sa Kalikasan Alay ng Munti sa Kapistahan para sa mga nasa kindergarten.
Nanalo ng unang gantimpala sa Guhit para sa Kalikasan ang Ilijan Elementary School, pangalawa ang Bilogo Elementary School at pangatlo ang Kipsi Elementary School. Sila ay tumanggap ng trophies at cash prize na P4,500, P3,500 at P1,500.
Ang mga nanalo naman sa Sabayang Pagbigkas ay ang Batangas State University para sa unang gantimpala, Sovereign Shepherd School para sa ikalawa pwesto at Alangilan Elementary School para sa ikatlong pwesto.
Naging kampeon sa Sigaw, Sayaw Pangkalikasan ay ang Divine Child Academy na tumaggap ng P10,000 at trophy, 2nd place naman ang Balete National High School na tumanggap ng P7500 at trophy at Casa del Bambino, 3rd place na tumanggap ng 5,000 at trophy.
Nauna rito ay nagkaroon ng city wide clean up sa pangunguna ni ABC President Vilma Abaya Dimacuha at ng Task Force Kaayusan.
[tags]Batangas City, Pista ng Kalikasan, Sublian Festival, 2009, Photo, winners, prizes, Vilma Dimacuha, Eduardo Dimacuha, Batngas, WOWBatangas[/tags]