Isang nakamamanghang Rock Formation ang matatagpuan sa Talahib Pandayan na isang liblib na barangay sa Siyudad ng Batangas.
Mas kilala ito sa tawag na Singsing na Bato dahil sa mala singsing na hugis nito. Madadaanan ito kapag tinahak mo ang daang Batangas-Tabangao-Lobo Rd. Napakaganda din ng bukang liwayliway sa gawing ito.