Bauan, Batangas – Agarang tulong ang ipinaabot ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga residente ng Brgy. Sta. Maria at Brgy. San Pedro sa Bayan ng Bauan Matapos ang mga ito ay ilikas sa kanilang mga tahanan bunga ng insidente ng chemical leak na nagmula sa isang ginagawang barko.
Mabilis na umaksyon ang Provincial Disaster Coordinating Council sa pangunguna ni Gov.Vilma Santos-Recto at agad na inatasan ang Provincial Social Welfare and Development Office kasama ang Provincial Health Office na mag bigay ng assistance sa mga residente na pansamantalang inilikas sa Bauan Technical High School.
Personal ding dumalaw si Batangas Governor Vilma Santos- Recto sa pansamantalang Evacuation Center kasama ang pamunuang lokal ng Bayan ng Bauan sa pangunguna ni Mayor Ryan Dolor upang alamin ang kalagayan ng mga evacuees na hindi bababa sa 1,295 residente.
Mabilis na direktiba ang iniaatas ni Governor Vi sa mga miyembro ng PDCC na gawin ang lahat ng kinauukulang aksyon at tulong sa mga naapektuhan ng chemical leak na nagresulta ng pagkamatay ng tatlong magagawa sa loob ng barge.
Agad namang isnagawa ang operation’s briefing at disaster control kung saan ay ipinakita sa Gobernadora ang ginawang pag aksyon ng mga kinauuklan na binubuo ng ibat ibang ahensya ng PDCC.
Ayon sa mga eksperto ang pagsingaw ng kemikal ay napapaloob lamang sa loob ng ginagawang barko at di ito direktibang makakaepekto sa mga residente ng dalawang Barangay.
Pinasalamatan ni Governor VI ang mga ahensya na agad na umaksyon upang maisaayos ang evcacuation plan. Kasamang umakasyon ang Philippine National Red Cross, Batangas PNP, Bureau of Fire, Department of Health at Philippine Coast Guard.
Sa kasalukuyan ay muli ng pinabalik ng mga awtoridad ang mga residente ng mga apektadong Barangay bunsod na rin ng ginawang pag-aaral sa kondisyon ng hangin at kapaligiran ng mga emergency responders na ligtas ng bumalik ang mga ito.
Ulat mula kay: Edwin V. Zabarte, OPG-PIO
[tags]Batangas, Governor Vilma Santos Recto, Governor, Vilma Santos, Ralph Recto, Bauan, Chemical leak, Brgy. Santa Maria, San pedro, batangas, WOWBatangas.com[/tags]