Ipinagdiwang ng bayan ng Ibaan ang Women’s Day kahapon, ika-10 ng Marso, bilang pagpapahalaga sa natataging gampanin ng mga kababaihan hindi lang sa tahanan kundi gayundin sa lipunan.
“Tayo po ay maglalaan ng P200,000 budget para sa mga proyektong pangkababaihan… Kami pong lahat sa Sangguniang bayan ay handang tumulong sa inyo,” pahayag ni Mayor Juan “Danny Toreja”.
Dinaluhan naman ang nasabing pagdiriwang nina Bokal Caloy Bolilia, Bokala Mabel Virtusio, mga miyembro ng sanguniang bayan sa pangunguna nina Mayor Danny Toreja at Vice Mayor Sixto Yabyabin, mga kapitan ng barangay, at mahigit kumulang 1880 kababaihan ng bayan ng Ibaan.
Isa sa highlights ng pagdiriwang ay ang “Ang Sexy Kong Mommy” kung saan nilahukan ito ng mga naggagandahan at nagsesexihang mga ina ang iba’t ibang barangay ng Ibaan. Inirampa ng mga sexy mommies ang kanikanilang mga gowns na yari sa mga patapong bagay tulad ng plastic, sako, kulambo, payong, phone cards, retaso at kung anu-ano pa.
Kabilang sa mga hurado ng nasabing patimpalak sina: Mrs. Felisa Marasigan, Mrs. Amelia Villanueva at Mrs. Gina Cayetano.
Sa huli ay itinampok ang mga nagwagi sa Ang Sexy kong Mommy Search. Ang mga nagwagi ay ang mga sumusunod:
3rd Runner up – Brgy. Quilo, Mrs. Nenelyn Dimaano
2nd Runner up – Brgy. Talaibon, Mrs. May Alamag
1st Runner up – Brgy. Lapulapu, Mrs. Nordstrom
Ang Sexy Kong Mommy 2011 – Brgy. Tulay, Mrs. Merly B. Taghoy
Higit naman ang pasasalamat ni Dra. Patricia Toreja, ang kabiyak ni Mayor Danny, na siya ring pangulo ng samahan ng kababaihan sa Ibaan. Si Dra. Pat ang nanguna sa pagpaplano at pangangasiwa ng pagdiriwang ng Women’s Day.
Sa ikalawang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa ang raffle para sa mga kababaihan. Gayundin ang lecture ukol sa breast at cervical cancer na pinagunahan ng LCWII President na si Dra. Pat.