Breaking News

COVID19 UK Variant sa Pilipinas | Ano ang dapat mo pang malaman? | Usapang Healthy EP2

Marami ang nangamba sa mga lumabas na balita tungkol sa mutated variant ng COVID19 mula sa United Kingdom. Lalo’t napaulat na mas mabilis itong kumalat at makahawa kaysa sa naunang kumalat na Corona Virus.

Sa aming panayam kay Dr. Dioscoro Bayani II M.D, ang Head of Infection Prevention and Control Unit ng Lipa Medix Medical Center ay inaasahan na na maaring magkaroon ng pagbabago sa genetic make-up ng virus na ito. Ayon sa kanya, sa pagkakapasa pasa nito sa iba’t ibang tao ay maaring magkaroon ng kakaibang pagbabago sa kanyang katangian mula sa naunang COVID19 Virus.

Base sa pag aaral, may iba ibang variants nang nadiskubre ng mga nagdaang buwan. Gayun pa man, bukod sa pagkakaiba sa bilis ng pagkalat nito ay parehas lamang ang iba pang mga sintomas nito sa naunang kumalat na COVID19 Virus. Ang mga taong nahawaan nito ay maaring magkaroon ng ubo, lagnat, pananakit ng lalamunan, panghihina ng katawan, pagkawala ng panlasa at pang amoy. Hindi rin naiulat na mas nakamamatay ito kaysa sa unang Corona Virus.

At kahit iilan pa lamang ang mayroon ng bagong variant na ito dito sa Pilipinas at wala pa dine sa atin sa Batangas, ang pamunuan ng Lipa Medix Medical Center ay patuloy sa pagbibigay impormasyon sa publiko kung paano sila makakaiwas mula sa Corona Virus. Sa kanilang opisyal na Facebook Page ay panay ang kanilang paalala ng pagsunod sa APAT DAPAT (Air Circulation, Physical Distancing, Always wear Face Mask and Shield properly and Thirty minutes or less for social interaction) at pagsunod sa mga Minimum Health and Safety Standards.

Patuloy din ang pag uupdate nila ng mga hospital protocols, paghahanda sa mga pasilidad at mga kawani ng hospital.

Sa pagdaan ng mga araw ay tila nagwawalang bahala na tayo sa banta ng COVID19, kaya naman patuloy ang aming pagpapaalala na mas paigtingin ang pagsunod sa Minimum Health and Safety Standards dahil hindi pa natin alam ang tunay na kapasidad ng virus na ito.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Intercontinental Hotels Group (IHG) Sets Foot South of Manila, Brings Tourists Closer to Batangas Destinations

Holiday Inn & Suites, one of the renowned brands of IHG Hotels and Resorts, has …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.