Para sa mga food lovers dyan, alam kong madami nang mga restaurants at canteen ang tinatangkilik dahil sa kanilang mga specialties. At kung sisig ang hanap mo, pumunta ka lang sa suki mong tindahan at may instant sisig ka na, in canned.
Pero mas masarap pa rin ang sisig from scratch. And just when you thought you’ve already tasted the best sisig in town, NO. Not until you’ve tried all the restaurants, canteen, or carinderias offering sisig.
So it was only today that I’ve learned another humble food stop where you can have probably one of the best sisigs in town. This one’s from one of our newest OJT, Deo Labindalawa of De La Salle Lipa.
Lipa City Foodtrip: Talisay’s Sisig
Isa sa mga hinahanap nating mga Pilipino ay mura pero masarap at nakakabusog na pagkain. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon ay masasabing praktikal lang naman na humanap ng masarap at murang pagkain.
Dinadayo ngayon ng mga taga-Lipa at mga taga-karatig bayan ang Brgy. Talisay sa Lipa City. A few kilometers away from the legendary Fiesta World Mall dahil sa natatatanging kainan na sa isang bakuran lamang matatagpuan.
Ang pagkain na nagpatanyag sa kainang ito ay ang sisig, oo sisig. Sisig na sa Pampanga ang ibig sabihin ay “to snack on something sour” at nag-originate din sa lugar na ito. Ang sisig ay gawa basically of pig’s head na binarbeque tapos chinop at ginamitan ng mga seasonings tulad ng ginger, onions, calamansi and of course, sili. Minsan ito’y nilalagyan din ng mayonnaise at itlog sa ibabaw. Kadalasan itong sineserve sa sizzling plate para mapanatili ang pagiging mainit nito.
Ngunit ano ba ang pinagkaiba ng sisig na ito sa sisig ng iba?
Unang beses na ako’y nakarating don sa kainang iyon ay agad napukaw ang aking atensyon ng usok na nanggagaling sa likod bahay. Maliit lang ang kainan iyon. May ilang piraso at upuan at mga lamesa sa garahe, as in talagang alam mo na simpleng kainan lang ito sa tipong carinderia style.
Unang inorder namin ay ang kanilang sisig na sa sizzling plate nila sineserve na may kasamang itlog sa ibabaw. Hindi makukumpleto ang kain doon kung hindi mo matitikman ang kanilang kanin. Wala namang masyadong special sa kanin pero my kakaibang lasa at ito kulay yellow-orange. 🙂
Masarap ang combination ng sisig nila at kanin. Talagang lahat kami a napasarap sa aming kain. I noticed na sunod-sunod talaga ang pasok ng tao sa kainan pero dahil nga sa maliit ang pwesto kadalasan ay nagiintay sila upang makaupo.
Ang presyo ng kain dito ang pinakanakakatuwa. Una, ang sisig nila ay may P30 ang half at P60 ang isa kung may itlog ay mag-add ka lang ng P5. Next ang kanin nila ay P7 lang pero halos isa’t kalahati na or dalawa na sa ibang kaninan.
Hindi lang naman sisig ang kanilang tinda. Meron din silang mga masasarap at specialty na tinatawag. Merong chicken BBQ na ang sarap ng sauce…adobo, binagoongan, fried chicken na lahat ay sa murang halaga lamang. Kada araw ay meron laging isang ulam na available lamang para sa araw na iyon tulad halimbawa ng seafood platter at mga salad salad na kung anu-ano ang lahok.
Lahat ng nabanggit ay MUST TRY! Halina’t suminsay sa Brgy. Talisay, Lipa City at subukan ang kanilang SISIG.
thanks sa naggawa nito, bilang secretary ng sisigan sa talisay lipa, nagpapasalamat kami sa inyo sa pagtangkilik nyo sa aming kainan…
God Bless You always….