Malamang kung ika’y madalas na napapadaan sa bayan ng Cuenca, taga Alitagtag ka o kaya nama’y sisimba kang sa Taal Basilica sa Taal, Batangas ay tiyak na madadaanan mo sa tabing kalsada patungong Cuenca ang mga maliliit na tindahan ng mga Prutas na ito.
Kadalasa’y nagtitinda ang mga lokal na magsasaka dito ng mga prutas at gulay gaya ng langka, papaya, puso ng saging, saging, mais, sitaw, rambutan, lansones o kung ano man ang akma o sakto sa panahon.
Kadalasa’y mas mura ito ng bahagya sapagkat kadalasa’y sariling tanim at hindi na bumabayad sa pwesto ang mga nagtitinda. Nakakatawad din ng maige pag dine ka bibili. Minsan nga’y dumadayo pa ang mga taga syudad para laang bumili ng sariwang prutas at gulay dine.