Kilala ang Lobo, Batangas sa matamis nitong atis at masarap na tamarind wine. Hitik din ito sa napakagandang Natural Attractions, tulad na lamang ng Lagadlarin Mangrove Forest sa Brgy Lagadlarin, Lobo Batangas.
Isa ito sa mga pinaka madalas dinarayo ng mga Nature Lover na mga turista. Iba’t ibang klase ng mga puno, halaman at ibong ang makikita dito. Mayroon ding daanang yari sa Kawayan upang mas maikotan ang mangrove forest at makita ang angking ganda nito.
Larawan ni Louie Javier