Isa sa may pinakamagandang Diving Spot ang bayan ng Mabini, Batangas kaya naman dinarayo ito ng mga turista.
Pag sinuswerte at maaabutan mo din dine ang grupo ng mga dolphin o lumba-lumba na madalas magpakita sa Barangay San Teodoro, Mabini, Batangas. May mga kasabihan ang mga matatanda na kapag nagpapakita ang mga lumba lumba dito ay mayroong parating na bagyo, malakas na ulan o malakas na alan.
Nagsisilbi silang babala sa amin sa mga susunod na araw.