Breaking News

Makisaya sa Makulay na ALA Eh! Festival Bukas sa Lipa City

Siguradong dadagsa ang mga tao bukas sa Plaza Independencia sa Lipa City sa pagdiriwang ng ALA EH! Festival 2010 na magsisimula sa ika-9 ng umaga. Ang street dance ay magmumula sa Cultural Center papuntang Plaza Independencia.

Noong isang taon, ang ALA Eh! Festival ang pinaka-highlight ng Provincial Foundation Anniversary at talaga namang malaki ang paghahandang ginawa ng lahat ng sumali mula sa iba’t ibang bayan ng Batangas. Sampung bayan ang sumali sa ALA Eh! Festival 2009 at ang mga nanalo noon ay ang Sinukmani Festival ng Rosario (Champion), Anihan Festival ng Lobo (2nd Place), at Kabakahan Festival ng Padre Garcia (3rd Place).

Sa huling listahan mula sa Provincial Tourism Office, 15 bayan ang may entry sa street dancing. Abangan na lang natin kung nadagdagan ito o nabawasan at kung ano-anong bayan ang kasali ngayong taong ito.

Ang Sinukmani Festival ng Rosario pa rin kaya ang mag-champion ngayong 2010? Sama-sama tayong makisaya sa makulay at bonggang ALA Eh! Festival bukas sa Plaza Independencia sa Lipa City, 9am.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

2024 Sinukmani Festival Underscores LGUs’ Support to Local Agri Entrepreneurs

Thanks to its vast, fertile lands, excellent agricultural output, and continual effort to preserve its …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.