Breaking News

Descriptive Documentary of Ambon-Ambon Falls from a Photographer’s View

This full documentary about Ambon-Ambon Falls in Talisay was shared to us by Kenly Heywood Anillo. He won our My Hometown Photo Contest back in 2011 and has been an active participant various competitions in the province like the Ala Eh! Festival Photo Contest.

Ambon-Ambon Falls (Groto)
Barangay Miranda, Talisay,Batangas
April 11, 2012

Ang Ambon-Ambon falls (Groto) ay matatagpuan sa Brgy. Miranda Talisay, Batangas. Last Ala Eh! Festival 2012 sumali ako sa photocontest para maipakita pa ang meron sa bayan namin at napili ko ang Ambon Ambon falls or ang tinatawag ng mga taong bayan sa amin na “GROTO”.

Naisipan kong umakyat ng bundok ng ako lang mag-isa para masaksihan ang view sa taas ng barangay ng Miranda. Halos naglakad ako mula sa amin ng 2 o 4 oras para makakuha lang ng pang-entry ko sa photo contest. Kahit hindi man eto nakapasok, nagpapasalamat parin ako na nakita ito ng mga mata ko. Dahil bawat kuha ng camera ko, para bang nasisiyahan ako sa nakuha kong view mula itaas. At nabigyan ko to ng description ayun sa [nasa] isip ko na gusto kong ipahiwatig sa makakakita nito at makakabasa para ma-inspire sila na bigyan halaga ang kalikasan at pati ipagmalaki ang meron sa bayan nila. Sa paglalakad, nag-isip ako ng mga salitang gagamitin upang ilarawan ang nakuhang picture.

1Paraisong tinatago ng Lawa ng Taal (11/12/12)

Luntiang kapaligiran kasabay ng asul na kalangitan yumayapos sa kahalihalinang bulkang Taal at ang kabuuan nitong kagandahan ay lalong sumisilip sa pusod ng lawang likas ang kariktan. (Napayong Island, Bubuin Island, Taal Volcano, Mt. Maculot)

Natatago’t natatanging ganda (11/12/12)

2Ragasa ng tubig na waring nagpahiwatig na ang kalikasan ay dapat iniibig, hindi ka na mapapalingon pag iyong nasilayan ang ganda ng talong Ambon-Ambon.

Bawat nakikita ng akin mata gusto kong bigyan ng nakaka-anting na kahulugan at dito ko naipapakita ang pagpapahalaga ko sa bawat nilikha sa ating mundo 🙂

Isang taon ang nakalipas, April 11, 2013:

Napakasarap balik-balikan ang falls kung may mga kaibigan kang handang masaksihan ang kakaibang falls na makakita pala sa Bayan ng Talisay, nag-try akong magvideo para maipakita ito sa mga Talisenyo na hindi pa din halos alam ng iba na meron nito sa bayan namin.

Nag-interview ako sa mga tao sa Brgy. Miranda ayun sa kwento nila kung bakit tinawag ding Groto ang Ambon-Ambon falls ay dahil nuon daw ay dinadasalan ito at may nakatayong groto, subalit ng dumaan ang bagyong Rosing, nasira ito.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Taal Volcano alert status is now raised at level 3

BULKANG TAALRaising ng Alert Level01 Hulyo 2021 This serves as notice for the raising of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.