Breaking News

A Trip to Sepoc Island

Last week, we had a chance to go to Sepoc Island. Treat ito sa amin ng mga mababait na taga Eagle Point Resort bilang bahagi ng isang forum na ginawa namin doon. Kasama sa trip ay ang mga taga Provincial Tourism Office, Mabini Tourism Center at ilan pang mga bosses ng mga industries and companies dito sa Batangas.

Sepoc is located at the western tip of Maricaban Island or more popularly known as Tingloy. Kapag sakay ka ng bangkang de-motor, 15 minutes lang from Mabini ang pagpunta sa Sepoc. Ito ang ilan sa mga makikita mo kapag papalapit ka na sa isla. Syempre ang una dyan ay ang Sombrero Island. Sabi nga ng aming team leader na si JR, from Mabini, ang itsura ng isla ya parang flat-topped sombrero pero pag nakalampas ka na, mukha na itong wizard hat.

Side view naman ito ng Isla ng Sombrero. Ito ang itsura nya kapag malapit ka na sa Sepoc.

Heto pa ang ilan sa mga magagandang views na aming nakunan ng larawan. It was breath-taking. Lalo na siguro yung garden of corals at ang mga iba’t ibang makukulay na isda under. (Yan ang ating next target na ipakita sa inyo mga ka-WOWBatangas!)

Tinawag na Sepoc Island ang lugar na iyon dahil sa mga Sepoc trees na tanging doon lamang makikita. Kung wala ang mga punong ito, I’m sure matututong ka sa init. Haha.

Ito ang Sepoc Tree na pinaniniwalaang dito lang sa islang ito matatagpuan. (Photo by: Stephanie Landicho)

Good thing may beach center sa isla with an open sided dining area and function area at bar na pwedeng okupahan ng 60-100 na bisita. May watch tower din sila. Ay ang bongga rin ng view kapag nandun ka. Perfect ang lugar na ito sa mga naghahanap ng pribadong lugar para sa isang havey na kasiyahan.

At dahil naman pinapangalagaan ng mga taga Eagle Point ang kalikasan, pinoprotektahan nila ang mga bagong-hatched na seaturtles na sa shore ng Sepoc malimit matagpuan. Sa katunayan, may isang area na inilaan ang resort para sa mga cute na seaturtles na ito. Isa pang nakakabilib, sila mismo ang nag-aalaga at nagpapakain sa 125 hawkbill sea turtles bago ito pakawalan sa dagat.

Ano pa nga gang masasabi ko tungkol sa Isla na ito? Well, dito lang naman sa Sepoc ginawa ang commercial ni Kris Aquino, yung sa San Marino gayundin ang sikat na palabas sa TV noon na Marina at ang pelikulang Huling Birhen sa Lupa.

I’m sure pag narating nyo ang islang ito, ma-aamaze rin kayo na meron palang ganito sa Batangas. Heto ang ilan pang mga pictures na nakunan namin doon.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Alab ng Pasko – A Christmas Lights of Batangas’ Kick-Off Concert for a cause

Despite the pouring rain, Batanguenos and concert-goers alike flocked to Batangas Lakelands to see live …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.