Breaking News

A Love Lost

Here is a story of love that tried to survive distance. A love that was lost and a heart that remains hopeful.

Dear Miong and Julieta,

“E” and I had been together for almost 4 years. We met during our college days, we have a lot of common friends. He is so magulo, makulit at galawgaw parang bata na may ADHD. Pero dun ako na-inlove sakanya. Eventhough he belongs to a different department lage siyang nasa room namen. I can still remember we used to have this diary wherein sinusulat namen lahat ng nangyayari sa buhay namen. I was really happy during those days. He was the love of my life. And he still is…

When I first left the country to work in Hong Kong. I just graduated during that time, I failed my board exam I felt like I needed to leave. I was really devastated that time. I know “E” was’nt happy about my decision because it would also mean that i have to leave him behind. Pero hindi ko na masyado inisip yun. Sa isip ko, mahal naman niya ako kaya susuportahan pa rin niya ako kahit labag sa loob niya.

At first okay naman kame. Okay na sa text, tawag at online. After a few months pumunta na rin siya ng ibang bansa. Lahat nasa ayos na. Ang dami namin plano. It felt like we have our own world. My contract is about to be finished at gusto niya umuwi na ako para makasunod ako sakanya. Na ginawa ko naman… umuwi nga ako pero hindi na ako nakasunod sakanya.

Nasa Pinas na ako nun. He is scheduled to go home too for christmas vacation. Two weeks pa lang ako nakakauwi, I felt like a bum already. Walang work, walang pera. Ugggh it was really awful. Yun din ung time na nagkakalabuan na kame. Miscommunication, time difference, at nawalan ako ng time sakanya kasi I was really gala. Nun ko lang nagagawa yung mga bagay na hindi ko magawa nun magkasama pa kame. Kasi dati ang daming bawal, kelangan kasama siya paglalabas ako, I can’t even go out with my friends. Pag hindi ako sumunod, away lang kahahantungan.

At dumating na nga araw na tatapos sa lahat. December 18, 2009, I broke up with him. Akala ko yung katulad lang ng dati na break-bati pero hindi pala. It was really over. I tried everyhting just to win him back but it did’nt worked. Ayaw na daw niya. Hindi na daw niya ako mahal. WTF! ganun ba kadali itapon ang apat na taon?

I even ask him if there is another woman, he said no. And i believe him. Napakatanga ko para maniwala. Dahil after a few months I found out that he is really with someone else already. He does’nt even know the 3month rule. Ang masakit pa nito matagal na pala niya akong niloloko, hinintay niya lang na ako ang makipagbreak. What a jerk. I really don’t know what to that time. I gave up everything for him. Especially my work. All I can do is cry. Wala na…. Tapos na lahat…

Madaling magmahal, madaling mahalin, madaling maging masaya. Pero ang pinaka-mahirap sa lahat ay ang mag move-on. Up until now hindi ko pa rin siya makalimutan. It’s been what? 2 years… And I still think about him almost all of the time. The last time i heard he’s married now and about to become a father. Ang masakit lang hindi saken. Andaming what if. Mahal na mahal ko parin siya kahit hindi na dapat.

I’ve tried everything. Ibaling ang tingin ko sa iba. Pero hindi pa rin nag-work-out. Nakasakit lang ako ng iba. Gusto ko lang malaman kung nagsisisi ba siya na iniwan niya ako. Talaga kayang hindi na niya ako mahal. Ang dami kong tanong na kahit kelan siguro hindi na masasagot. I just need to move on on my own. GUSTO KO NA SIYA MAKALIMUTAN. Gusto ko na magmahal ng iba. Sana malapit na… Sana dumating na siya.

Hopeful,
K.L.

KL,

Bigla kong na lang naalala ang kanta ng The Dawn sa iyong kuwento. Ang title ay “Change is Breaking Us Apart”

And I think change broke you apart… into pieces.

Madami kasing nagbago sa buhay nyo. Dati halos oras-oras magpanagpo kayo sa iskul. Tapos ngayon magkaiba na kayo ng bansa. Dati galawgaw siya kamo. Tapos ngayon ni hindi mo man lang maramdaman ang anino niya.

Higit sa lahat ay nawalan kayo ng komunikasyon. Alam mo kasi, ang pag-ibig at komunikasyon ay magkakambal. Parang si B1 at si B2. Parang si Agua at si Bendita. Parang si tubig at si basa. Parang si yosi at si… snow bear.

So kung nawalan na kayo ng (tunay, as in in person) komunikasyon, malamang sa malamang ay magunaw na din pati ang mga nararamdaman nyo. Dumaan kayo sa natural course of fading away. At yan na nga. Magkaka-anak na siya ngayon… at hindi ikaw ang ina.

Ouchness.

Tinanong mo pa kung meron siyang iba. Siyempre mag no-not guilty plea yan. Jerk sadya ang ibang mga lalake na ang motto sa buhay e collect and collect then select.

Ay siya sige garne na laang. Huwag mo na lang isipin kung anung mga kasayahan ang nangyari sa inyo dati–yung mga plano plano nyong drawing lang pala. At iwasan mo na din isipin kung anung iniisip niya ngayon. Mabubuwang ka lang.

Anung dapat mong isipin? Sarili mo. Yung mga magagandang what ifs.

Example: “Kung hindi ko siguro nakilala tong mokong na to hindi ko sana naramdaman ang mga nararamdaman ko ngayon. Hanap na lang siguro ako ng MAS (maglagay ng magandang adjective), puny#$@!”

Pero sa tingin ko naman nasa tamang landas pa din ang pagiisip mo. Ngayon gusto mo na umibig muli. Ngayon gusto mo na mag move on.

Naka move on ka na naman siguro. Siguro naka-dalawang kandirit ka na palayo sa kaniya. Nga pala. Sabi din dun sa kanta ng The Dawn ay
“move on… it’s all about moving on… until you are too far to see where you came from”.

Ilang kandirit pa ‘teh. 🙂 Mga 42 pa pala.

Pag naka move on ka na ng husto, tsaka mo pa lang maaapreciate ang mga lalakeng makikilala mo. Tsaka ka lang muli sasaya sa piling ng iba.
Tsaka ka mo pa lang malalaman na life is still life without him.

Pero I hope you have learned your lessons na. Huwag mong ibibigay ang lahat. Huwag magpapadala sa mga mabubulaklak na bibig achuchu.

Magmahal lamang ng sapat. Para mahalin ka ng tapat. Wala lang. Makapag-rhyme lang.

Hehe.

MIONG

Dear K.L.,

Yes, you are right. It’s hard to move on, especially if you had given all of your love for that person. But all of those moments that happened in your past relationship should be left behind. Better be forgotten.

Why? You heard may asawa na ngayon at magiging ama na din. I think that’s enough for you to move on.

Gusto mong malaman kung nagsisi sya na iniwan ka nya? Yung malaman mo palang na kasal at magiging ama na sya hindi ba nun nasagot ang tanong mo? Or if magsisi man sya would it change anything?

Niloko ka din nya, and he’s not worthy of your love, so tama lang ang ginawa mo na hiwalayan siya. K.L., you’re right you should move on now but don’t rush things, sabi mo nga ibinaling mo na ang tingin mo sa iba, but look at what happened, nakasakit ka lang at hindi rin nakatulong para maka move on ka.

The right one, your true prince will come, just wait for it. Good thing that you still have the courage to love again despite of what happened in the past.

Wishing you well,
JULIETA

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.