Breaking News

Is Your Love Worth Fighting For?

Dear Miong and Julieta,

How do you know if love is worth fighting for? Ano ang mga palatandaan na karapat-dapat mong ipaglaban ang isang tao o ang pag-ibig na meron kayo?

Hindi madaling magmahal. Madalas kelangan mo magsakripisyo. Pero hanggang saan at hanggang kelan?

Hanging by a moment,
Nikita

Hey Nikita,

Ang pagibig, sa aking palagay, ay hindi ipinaglalaban. Hindi ito paligsahan. Hindi din ito laging pagsasakripisyo. Hindi ka si Kristo

Ang pagibig ay kusa na lamang dumadating at kusa na lang din na nangungupas.

Walang gauge gauge dyan o kung ano pa mang criteria.

Wala ding problema na kayang humamak sa pagibig. Kung sa tingin mo’y hinahamak na ng inyong problema ang inyong relasyon, hindi ganoon ka genuine ang nararamdaman nyo isa’t isa. O ng isa sa inyong dalawa.

Kung ang pakiramdam mo ay para ka na lang libag pag wala si Nikito sa piling mo. Kung pakiramdam mo ay parang wala ka nang kwenta kapag hindi ikaw ang kayakap niya. Kung wala ka nang ginawa kundi umiyak ng balde balde kapag hindi kayo mag katext. Hindi dapat “ipinaglalaban” ang pagibig.

Dahil kung ganyan ang sitwasyon, nagiging makasarili ka lamang. Natatakot lang ka na mawalan.

Hindi mahirap magmahal, Nikita. Meron nga kong mga kakilalang tao na ang tanging bisyo lamang ay ang umibig.

Baka yun din siguro ang iyong problema, bisyo mo na din ang umibig. Madali ka sigurong mapamahal. Kaya lahat na lamang ay dapat
mo na lang ipaglaban.

Hindi din siguro akma ang salitang sakripisyo sa pagibig. Mas shoot siguro ang salitang “pagpapaubaya.”

Pag umibig ka siguro e you give more than what you receive and what you have kaya kung ano ano na din ang pumapasok sa isip mo.

Give only what you have and what he only needs para walang wasakan pag nagka-talo talo kayo.

Pagibig — either you have it or you want to have it. Chillax lang muna Nikita. Huwag mong isipin kung karapatdapat bang ipaglaban ang pagibig.

Ang itanong mo sa iyong sarili ay kung sapat pa ba ang inyong pagmamahalan para mabuhay ka ng masaya.

Kung sa tingin mo’y sasapat ang inyong pagiibigan para maging rason ng iyong buhay.

Gora na ‘te.

MIONG

Dear Nikita,

The love and the person you love are worth fighting for if you feel real happiness.

BOTH of you have to stand for your relationship and sacrifice does big thing for it.

Hanggang kailan dapat ipaglaban? Hanggat pareho kayong nagmamahalan.
Let go, kung ikaw na lang ang may interes sa relasyon nyo at sigurado naman akong mararamdaman mo iyon.

Lagi mong tandaan na ang relasyon ay ipinaglalaban ng dalawang nagmamahalan, hindi ng ikaw lang.

Wishing you well,
JULIETA

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.