Breaking News

Ang Pinakamasarap na Mani sa Balat ng Lupa

Ang pinakamasarap na mani sa balat ng lupa.

Hep hep hep. Bago ka magisip ng kung ano-ano, ang mga maning kasama sa artikulong ito ay yung nabibili sa tindahan.

Walang maning buhay. Walang Malisya. 🙂

Okay.

Tulad ng ginawa nating pagkukumpara sa mga uri ng pansit, nais ko ding isa-isahin ang mga mani na sa sobrang pangkaraniwan ay halos maging parte na ng ating pamumuhay:

Let the peanuts roll:

Ang Maning Hubad

Ang maning ito ay madalas mabibili sa mga manong na naka tambay sa mga kanto-kanto. Ang presyo ay madalas lima o sampong piso.

Mayroon ding bersyon nito na maanghang na madalas ko namang binibili kapag ako’y nauumay.

Ang Maning May Balat

Ang ganitong bersyon ng mani ay madalas din ipinagbebenta sa kalye. Malimit din itong inilalako sa mga bus–“libre tikim” pero kailangan mo ding bumili pagkatapos dahil bubulabugin ka naman iyong konsensiya sa karahilanang hindi mo din maintindihan.

Mas masarap ang maning may balat kapag tinaktakan ng madami-daming asin at pinatakan ng mangilan-ngilang na bawang.

Nabibili rin sila ng patakal-takal. Naranasan ko dating bumili ng tig- dalawang piso na mas madami pa yata ang bawang kesa mani.

Ang Matamis na Mani

Ang ganitong klaseng mani ay piniprito na may kasamang arnibal. Halos kalasa na din siya ng isa ko pang paboritong meryenda- ang panotcha.

Ang Kasoy

Ang kasoy ay di hamak na mas mahal sa mga naunang mani. Marahil ay inaangkat pa ito mula sa ibang panig ng Pilipinas o sa kung ano pa mang cheverloo.

Pero tunay din naman na mas masarap at mas malasa ang kasoy– ni hindi na nito kinailangan ng asin at bawang.

Ang Pistachio

Ito ay isa sa mga shala na mani dito sa atin. Pangalan pa lang, sosyal na– pistashow.

Sa tunay ay hindi pako nakakatikim nito dahil hindi naman ito nilalako sa mga kalye kung saan madalas ako mamalagi.

Ang Maning piso piso

Sunshine, Expo, Sugo, Growers, Nagaraya… marami pang mga pinagbebentang mani na ginamit kong panupla/pamato sa aking mga kaklase noong ako’y bata bata pa.

Pili nuts

Ang maning ito, para sa akin ay ang may pinaka kaibang lasa at may pinakakakaibang amoy. Siguro dahil nakakatikim lang ako nito kapag may dalang pasalubong ang kapitbahay naming taga-Bicol.

Ang nilagang mani

Ang maning ito ay mas may thrill kainin. Di tulad ng mani na basta na lamang isinusubo, ang maning ito ay tinatalop muna ang balat dahil kung kinain mo ito na kasama ang balat ay tunay ka namang karimarimarim.

******
Para sa akin, ang pinakamasarap na mani ay ang kasoy. Walang palya akong nabili nito sa pagkatapos naming mag novena sa Redemptorist.

Hindi siya gaanong matamis, hindi masyadong maalat, hindi masyadong maanghang at hindi din masyadong mahal. Tamang pang- nguya lang.

Ikaw, anong mani ang pinakapaborito mo?

images from:
webanswers.com
marketmanila.com
wishipines.com
facebook.com
tableforthreeplease.com
ifood.tv
freschfoods.com

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Dining at Daling’s: A Dash of Secret Spice and Motherly Love

Nothing says “Kasarap nare!” like a hearty lomi dish prepared by Ms. Magdalena “Ka- Daling” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.