Gaano kahalaga ang oras na inilalaan mo para sa isang relasyon? Kung pareho kayong laging busy ng partner mo, ano ang magandang gawin para mag-grow ang relationship?
Dear Miong and Julieta,
How do you make a relationship work out kung oras para sa isa’t isa ang problema?
My boyfriend and I don’t see each other regularly. Of course, we talk over the phone, we text each other everyday, but due to our busy schedule, hindi kami madalas magkita.
Madalas namin napapagawayan ito pero napapagusapan din naman pagkatapos. Dahil lagi na lang ganun, parang nasanay na kami sa sitwasyon. Healthy ba na masanay kami sa set-up namin at hayaan na lang yun o dapat may gawin kaming solusyon? We love each other so much, yun lang, alam naming may pagkukulang kami sa isa’t-isa. How can we resolve this issue?
Thanks in advance and more power sa inyong dalawa.
Jade
Hey Jade,
Hindi iyan healthy.
Huwag kang masanay sa ganiyang sitwasyon. Baka mamaya kapag nasanay kayo e kahit mag-asawa na kayo e text text pa din.
“h0n, HiND1 p@ pfhwos bAyadz ang Kryent3s n@th!n, B@H@7a k@ na pf0wz”
Ang panget diba?Jade, gumawa ka nang paraan na magkita kayo. Kahit minsan lang sa tatlong araw. Umeffort ka. Kahit ikaw na ang sumagot sa mga gastusin. Kahit ikaw ang babae, huwag ka masyadong pa hard to get.
Baka naghahanap lang din ng lambing ang boylet mo o di kaya nama’y may nilalambing na siyang iba. May sawalanghiya din kasi ang ibang mga lalake. Madaming nililihim at minsan talaga’y inaabuso ang kapangyarihan ng distansya.
Malay mo may iba pala siyang babae or worse… hair brush. Either way, matakot ka Jade.
MIONG
Dear Jade,
Hindi porket pareho kayong busy ay dapat na kayong masanay sa ganyan na sa text or tawag lang madalas magkausap. Paano nyo lubos na makikilala ang isa’t isa kung ganyan?
Ikaw na rin ang may sabi, na palagi nyo itong pinag-aawayan. Hindi na sya healthy.
Alam nyo kung pareho nyo talagang gusto na magkita man lang kahit saglit ay magagawan nyo ng paraan iyon, hindi naman siguro 24 hours kayong busy sa ibang bagay, tama? Maliban nalang din kung malayo kayo sa isa’t isa, pero mukhang hindi naman.
Tamang time management lamang ito Jade. Pag-usapan nyong mabuti ang mga schedule nyong dalawa at sigurado ako na kung talagang gusto nyong makita at makasama ang isa’t isa ay gagawan nyo ng paraan, ika nga ni Rico Blanco, “kung ayaw may dahilan kung gusto palaging merong paraan”. 🙂
Wishing you well,
JULIETA
Photo Credit: the-craftycafe.com