Hindi kumpleto ang salo salo ng mga Pinoy kapag walang kanin.
Mas hindi naman ito kumpleto kung walang pang ulam.
Teka, ano nga ba ang madalas mong pang-ulam?
Sa bahay namin, madalas iulam ang adobo, baboy man o manok. Madalas marahil sa madali itong lutuin at hindi ito madaling mapanis.
Ang nanay ko nga, kapag tinatamad siya magluto sa gabi, umaga pa lamang ay magluluto na siya ng adobo at iyon na ang uulamin namin mula umagahan hanggang tanghalian hanggang hapunan. Kapag hindi ka naman naumay eh ewan ko na sa’yo.
Di tulad ng mga kare kare, pinakbet o kung ano pa mang luto na nangangailangan ng madaming sahog at mahabang oras sa pagpeprepara, ang mga ulam na mababanggit ay halos “instant cook” na.
Tipong lalagyan na lamang ng suka at toyo at mga “granules” ay tunay na pwede na agad makain.
Ito pa ang ilan sa mga ulam na madalas natin makita sa ating mga hapag:
Pritong Isda, Manok, Baboy, Preserved Goods Itlog, ATBP
Bakit sila ang madalas naming ipang ulam sa bahay?
Dahil sila ay:
1. Madaling lutuin
2. Hindi masyadong magastos
3. Hindi mabilis mapanis
4. Masarap din naman
Pwera na lamang siguro yaong barbecue na napipilitan na lamang kaming bumili sa kanto dulot na rin ng sobrang katamaran sa pagluluto.
Pero, siguro naman ay aayon kayo sa aking kung sasabihin kong mas mahalaga ang mga taong kasalo mo sa hapag kainan, ang kanilang mga tawa at mga istorya kung ikukumpara mo sa mga ulam na luto ng kung sino man.
Na kailanman ay hindi magiging nakakaumay ang pagkain kapag ang iyong kasalo ay ang mga mahal mo sa buhay.
🙂
images from:
marketmanila.com
kidpawan.blogspot.com
panlasangpinoy.com
Magaling pa’y i-feature mo yung mga bahayan dineng malalaki sa Mabini, Batangas. Yuon gang mga nasa Roma nagta-trabaho.. Masisipag at matyatyagang mga taga dine sa amen para la-ang makatawastawas sa buhay ay nangangatulungan sa ibang bansa.
Oo nga po. Sa susunod po naming pagbisita sa Mabini, hindi po namin kakalimutang bisitahin ang bahayang iyon. 🙂