Breaking News

Mga Kawani ng Kapitolyo, Nagpasikat sa Cheerdance Competition

Sa unang araw pa lang ng Ala Eh! Festival 2011, nagpakitang gilas na ang mga kawani ng provincial capitol sa kanilang cheerdance competition na bahagi ng mini-olympics activity na inorganize ng PACD
(Provincial Assistance Community Development) para sa selebrasyon ng ika-430 founding anniversary ng Batangas Province.

Sa tindi ng sikat ng araw, nagpasiklaban ng kanilang mga creative cheerdance routines ang tatlong competing teams from three offices ng capitol (kilala bilang Kapitolyo) – PACD, PHO (Provincial Health
Office) at PEO (Provincial Engineering Office). Hindi natinag ang mga performers kahit na mangitim pa sila, magwagi lamang ng tumataginting na P10,000 para sa first prize.

Natuwa ang lahat sa mala-professional cheerdance routine ng PHO team na ipinasikat ang kanilang mga lifts and stunts, lalo na ang kanilang matataas ng pyramid. Ang theme ng kanila routine ay modern cheerdance with an Egyptian flavor. Highlight ng kanilang performance ang malaking backdrop ng Ala Eh! Festival logo, at ang The Sphinx.

Nagpasikat naman ang team PEO sa buong Calaca sa kanilang comedic routine. Naging highlight ng kanilang performance ang paggaya nila sa larong Angry Birds, at ang pagpapakita nila ng ilang larawan ng mga tourist attractions ng Batangas. (Sa kasamaang palad, hindi namin naabutan ang performance ng team PACD, pero tiyak namin na maganda din ang performance nila).

Bigatin ang mga judges na sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto, Vice Governor Mark Leviste, at Calaca Mayor Nas Ona, na talaga namang nahirapan kung sino ang magwawagi sa kumpetisyon.

Sari-saring eksena ang nangyari sa cheerdance competition ng Kapitolyo. May ilan na pinilit ang sarili na sumabay sa tono kahit aminadong parehas na kaliwa ang dalawang paa. May ilan din naman na effort kung effort ang ponytail, tirintas, at spray net sa buhok. Yung iba, wagas kung maka-ngiti, samahan pa yan ng kwelang tandem sa hosting nina Ms. Jing at Sir Jun. Ngunit gayunpaman, nag-enjoy naman ang lahat at mas tumatag ang samahan ng mga empleyado ng provincial capitol.

At the end of the day, purong saya at tuwa ang hatid ng cheerdance competition, hindi lang sa mga nag-perform kundi pati na rin sa mga nanood.

Sa awardings, muling nag-champion ang team PHO after nilang mag-champion din from last year’s competition. Second place naman ang team PEO, at third ang PACD.

Gusto niyo bang masaksihan pa ang ibang masasayang activities ng Ala Eh! Festival? Check the calendar of activities (insert link for Calendar of Activities from Ala Eh! website) and we’ll see you there!

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Vespa Clubs Tour Taal Lake, Celebrate LIMA Park Hotel’s 15th Anniversary

The Taal Lake Loop has been a popular route for motorcyclists. With scenic landscapes, asphalt …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.