Breaking News

Mga Patok na Kumikitang Kabuhayan ng mga Batangueño

Sa panahon ngayon, malamang narerealize nyo nang hindi sapat ang maging empleyado ka lang. Papasok ang pera dalawang beses isang buwan pero araw-araw naman ang paglabas. Hay buhay. How do you keep up, Juan dela Cruz?

Oh my, naririnig ko sa likod ng tenga ko ang boses ni Donya Delilah. Nagsusumikap ka naman, pero kulang pa rin o kaya naman parang yung isang bote ng softdrinks, sakto lang.

Kelangan mo ng kumukitang kabuhayan. Yes, negosyo, business, sideline, raket. Ano kaya ang mga patok na negosyo ng mga Batangueño?

Tinanong namin kahapon sa aming Facebook page kung ano ang mga top business ideas ng mga kababayan natin. At ito ang naging tally mula sa 50 page supporters na bumoto.

• Pagkain (carinderia, home-made goods, etc.) – 36 votes
• Fashion Items (clothes, bags, shoes, accessories) – 6 votes
• Buy and Sell (ng kahit ano na) – 1 vote
• Direct Selling (health and beauty products etc.) – 1 vote
• Services (repairs, advertising, events planning, etc.) – 1 vote
• Others (na wala sa choices at hindi na-specify) – 4 votes

Hmmm, mukhang kahit saan ay hit na hit ang pagkain bilang negosyo. Syempre, tayong mga Batangueño, mga Pinoy in general, eh masarap kumain. Kaya kung pagkain ang binibenta mo, for sure tatangkilikin ka ng market mo.

online fashion store - top business ideas - BatangasEarly this month, Gerlie, Jackie, and I opened an online fashion store we dubbed as @BB Online Store (All Things Bright and Beautiful). BB stands for bright and beautiful at hindi yung ex-husband ni Carmina Villaroel, haha.

Since we’re online people, we took advantage of the power of social media. We maximized Facebook and the efficiency it offers for online stores like ours.

Sa pagtatayo ng negosyo, we believe na dapat gusto mo talaga at naniniwala ka talaga sa kung anong binibenta mo. Pero dapat legal ha. Kagaya namin, we have the heart for things stylish but affordable. Naniniwala kaming kaya mong maging fashionable na hindi gumagastos ng napakalaki na para kang celebrity. 🙂

So for great fashion items na pasok sa budget, visit @BB Online store and spread this lovin’ to your BFFs!

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

2 comments

  1. good day, can you feature our food products?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.