Bakit madalas hindi kasama ang college level sa suspension ng classes tuwing malakas ang ulan?
Madalas akong makabasa ng mga panawagan sa Facebook kapag suspended ang mga klase mula primary hanggang secondary levels. Mga panawagan at paalala ng mga college students na hindi sila waterproof. Haha. Oo nga naman. Saka na lang nasususpend ang klase sa college kapag parang bumaba na ang langit sa lupa at nagpa-party ang kulog, kidlat, hangin, at ulan.
Unang punto. Baka kasi tingin ng persons in authority ay kayang suungin ng mga college students ang malakas na ulan. Maaring oo, maaring hindi. Depende sa lakas ng ulan. Aray.
Ikalawang punto. Nagkakataon lang ba o sadyang sala sa init, sala sa lamig kung minsan ang class suspension? O yung bagyo na ang dapat sisihin kasi magaling sa surprise visit? Kapag suspended na ang mga klase, saka naman hihina ang ulan.
Ikatlong punto. Tama nga ba na ipamahala na sa mga LGUs ang pagsuspinde sa mga klase base sa lagay ng panahon sa kanilang lugar? Makailang beses nang napuna ang sablay na weather forecast ng PAGASA at sa lawak ng Pilipinas, hindi naman pare-pareho ang lagay ng panahon sa bawat bayang meron sa bansa.
Your thoughts? Keep safe, everyone!
Photo: reynthology.blogspot.com