Breaking News

Ang Iba’t Ibang Parol ng Paskong Pilipino

Isa sa mga simbolo ng Paskong Pilipino ang parol. Christmas lantern sa Ingles, ang parol ay literal na ‘star’ ng kapaskuhan.

Noong isang linggo, may napadaang nagbebenta ng parol. Yung gawa sa makikintab at makukulay na palara na binibenta sa halagang P15 o P20. Yung mga madalas dinadala ng mga estudyante kapag December na at sinabi ng teacher na magde-decorate na ng classroom.

Iba’t ibang klase ng parol ang makikita natin sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas tuwing panahon ng Pasko. Alin sa mga ito ang meron kayo?

Parol na gawa sa plastik. Ito ang madalas nating makita na nakasabit sa mga poste at arko sa mga barangay. Dahil matibay at kahit ulanin ay ayos lang.

Christmas lantern made of plastic - parol

Parol na gawa sa makukulay na palara o tinsel. Favorite ko ‘to. Simple ang gawa (medyo mahuna kung hindi ilalagay sa maayos na pagsasabitan) pero dahil makulay ‘to at may glimmering effect pag tinatamaan ng sikat ng araw, para na rin silang kumukutitap na Christmas lights.

Christmas lantern made of tinsel - parol

Parol na gawa sa capiz at may makukulay na bumbilya. Ito ang parol ng mga may malaking budget. Yung regular size nasa P2,000 mahigit na dahil capiz ang gamit at mas madetalye o mas kumplikado ang designs nitong mga ‘to plus yung mga bumbilya pa.

Christmas lantern made of capiz - parol

Parol na gawa sa recycled o kaya indigenous materials. Ito yung mga gawa sa tansan, lata, plastic bottles, straw o kaya sa abaca, bunot o bulaklak ng niyog, at iba pa.

Christmas lantern made of recycled materials - parol

Parol na gawa sa cellophane. Indoor parol din ang klaseng ito. Pag nabasa ng ulan, mangungupas ang kulay. Pag masyadong naarawan, baka mabutas.

Christmas lantern made of cellophane - parol

Sa lahat ng parol na nakikita ko sa lugar namin, amin ang kakaiba at pinakamalaki. Haha. Annual project yun ng tatay ko. Ang parol na gawa sa pylon fabric (see last photo insert). Kahit maulanan, matibay pa rin.

pulang parol - Christmas lanterns in the Philippines

Kayo, anong klaseng parol ang meron kayo sa bahay nyo?

Photos:
mediciomnesduciens1982.blogspot.com
travellingartist.wordpress.com
catholicfaithdefender.wordpress.com
chatterlounge.blogspot.com
bayanihancc.org

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.