Noong ika-2 ng Mayo 2015, Sabado sa SM City Lipa Event Center ay nagpakitang gilas ang 12 Kandidata ng Miss Lipa Tourism 2015 mula sa iba’t ibang Barangay sa Bayan ng Lipa.
Isa lamang pag papatunay na hindi lamang magaganda ang mga Lipeña ngunit may mga angking talento rin.
Palakasan ng sigawan at palakpakan ang mga supporters ng bawat kandidata habang nag pe-perform ang kanya kanyang representante. Todo todo naman ang pagpapakitang gilas nila at sadyang gusto ring patunayan na hindi lamang kagandahan ang kanilang taglay.
Bumisita lamang sa http://misslipa.com/ para sa iba pang detalye ukol sa Miss Lipa Tourism 2015.