Breaking News

5th Bay-Ongan Festival ng Laurel, Batangas

IMG_1988

IMG_2109

Noong ika-21 ng Hunyo, 2015 ay ginanap ang ika-46 taong ng pagkakatatag ng bayan ng Laurel at ika-5 Bay-Ongan Festival. Sinimulan ang pagdiriwang ng maagang parada sa daan ng Karakol Dancers, LGU’s, Religious Sectors at Floats ng iba’t ibang barangay. Pagkatapos ng parada ay agad na tumungo sina Mayor Randy James Amo kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa Bridge of Hope upang pangunahan ang pagpapasinaya sa tulay na nagdudugtong sa bayan ng Laurel at Tagaytay. Inaasaang magiging daan ito upang mapalago ang turismo at makatulong sa pagpapadali ng paghahatid ng mga produkto ng Laurel sa mga karatig na bayan.

Isang misa naman ang ginanap sa Poblacion at sinundan ito ng sang maikling programa na pinangunahan ni Mayor Randy James Amo, SB at buong LGU, kasama ang mga Panauhing Pandangal na sina MMDA Chairman Francis Tolentino at Senator Nancy Binay. Pinangunahan din nila ang pagpapasinaya ng katatayo pa lamang na Multi-purpose building.

Pagdating ng alas-tres ng hapon naman ay game na game ang mga kababaihan na makilahok sa Zumba Dance Contest na inorganisa ng may bahay ng butihing mayor na si Mayora Joan Amo. Nanduon din ang sikat na artista at Zumba Fitness Instructor na na si Ms Regine Tolentino upang pasinayahan ang nasabing Zumba Dance Competition. Walang kapaguran ang lahat habang sumasayaw sa inihandang warm up exercise ni Ms Regine. Tagaktak man ang pawis ay kitang kita mong enjoy na enjoy ang lahat ng kalahok. Tuwang tuwa rin ang mga manunuod sa ihinanda ng mga kalahok kaya naman napuno ng hiyawan at palakpakan ang Gymnasium. Sa huli ay itinanghal na panalo ang Cluster 1 na binubuo ng  mga kababaihan mula sa barangay Berinaya, Leviste, Balakilong at Molinete. Sinundan ito ng Cluster 2 na binubuo ng mga kababaihan mula sa barangay Poblacion 1-5 at nagkamit naman ng pangatlong pwesto ang Cluster 4 na binubuo ng mga kababaihan mula sa barangay Ticub, San Gregorio, Sta. Maria at San Gabriel.

Pagdating naman ng alas-7 ng gabi ay ginanap naman sa Gymnasium ang LGU Night. Ipinakita dito ang mga ihinandang presentasyon ng ilan sa mga miyembro ng LGU at DepEd Laurel District na ikinatuwa naman ng lahat ng manunuod. Dito din ipinakita ang mga proyektong nasimulan, natapos at gagawin pa lamang ng kasalukuyang mga nanunungkulan. Tunay namang napakaprogresibo ng bayan ng Laurel. Binigyan din ng pagkilala at gantimpala ang mga  empleyado ng Munisipyo na humigit na sa 20 taong nanunungkulan sa Lokal na pamahalaang Bayan. Isang patunay ng pagbabalik ng Lokal na pamahalaan sa sakripisyo ng mga masisipag nilang empleyado. Enjoy na enjoy din ang mga mamamayan ng Laurel sa mga special guest sa nasabing LGU Night.

Malakas na hiyawan ang maririnig mo habang umiindak at nagpa-fire dancing ang grupo ng kababaihan na kung tawagin ay “James Angels”. Pinalakpakan din ang husay ng Generation Band at isa pang Reggae Band. Napuno din ng tawanan at palakpakan ang loob ng Gymnasium dahil sa J&J Duo. At ang huling special guest ay ang inaabangan ng lahat na Parokya ni Edgar. Ang lahat ay nakikanta, nakitalon, nakisaya sa ihinandang mga kanta ng sikat na banda. Maging ang bandang Parokya ni Edgar ay nag enjoy din sa pagtugtog dahil sa init ng pagtanggap ng mga mamamayan ng bayan ng Laurel.

Para sa kumpletong mga larawan, Bumisita sa WOWBatangas Facebook Page.

 

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.