Breaking News

Nakatutuwang Summer Activities para sa mga Chikiting

Summer Activities
Bakasyon nanaman ng mga chikiting, pihadong iikot nanaman ang mundo ng mga bata sa panunuod ng mga cartoons sa tv at paglalaro sa labas.

Naglista kami ng ilang Summer Activities na pwede nilang gawin para maging makabuluhan ang kanilang Summer Vacation.

Dance/Singing/Acting Lessons. Para sa mga batang may talento sa pagsayaw, pagkanta at pag arte, ito ang nararapat nilang pagkaabalahan upang tuluyan pang mahasa ang kanilang talento. Maghanap lamang ng Dance/Music Studio na malapit sa inyo. Malay mo ang anak mo na pala ang susunod na Coco Martin o di kaya naman ay Maja Salvador. 🙂

Art Workshops. Kung ang chikiting naman ay may natatago nang talento sa pag guhit ay pwede mo itong hasain at pormal na mag training sa mga Art Workshops. Isa ito sa mga paraan upang matuto pa ng ibang mediums tulad ng Acrylic Painting, Watercolor, etc at maging mas mahusay sa pag guhit. Maaari ding mag karoon ng mga bagong kaibigan at bagong idolo ang anak mo at lalo syang ma inspire para gumawa ng mga bagong artworks.

Tutorial Sessions. Maraming mga tutorial centers dine sa atin sa Batangas, ngunit kung nais mong maging tutok at sa bahay lamang ang iyong anak ay pwede ka naman kumuha ng mga freelance tutor. Pwede mo sila paturuan kung pano magsulat, magbasa o kaya naman ay sa iba-ibang asignatura tulad ng math o english. Depende sa kung san mo nais mag excel ang iyong anak. Isa rin itong paraan upang maging advance o handa ang iyong chikiting sa susunod na pasukan.

Sports Clinic. Kung ang iyong chikiting naman ay mahilig sa sports, aba’y maraming sports clinic na naglipana tuwing summer. Pwede syang mag karate, taekwondo, badminton o kaya naman ay basketball. Tulad na lamang ng Alaska Basketball Powercamp 2016 na gaganapin sa First Asia Institute of Technologies and Humanities ngayong darating na May 12-19, may chance ka pa na maturuan ng PBA Legend na si Jeffrey Cariaso. Ito ay bukas sa mga batang edad 5-18 mapa babae man o lalaki basta hilig ang basketball.

Alaska Basketball Powercamp at First Asia Institute of Technology and Humanity

Kahit ano pa man ang piliin mo sa mga binanggit namin sa itaas ay tiyak na may matutunang bago, mag eenjoy at magkakaroon ng mga bagong kaibigan ang iyong chikiting.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.