“Sa maalwan nitong pagdaloy pamula sa bulubunduking mga nayon ng San Pedro at Catandala, at sa mabanging tingga at Soro-Soro, hanggang sa dagat, malaon nang tinatangay ng ilog Calumpang ng mga batang at kawayang putol papuntang Wawa.Sa bandang pawawa ng ilog Calumpang – humigit kumulang kung saan ngayo’y Barangay Uno, tapat ng Palyukan sa kabilang pampang – unang nanahan ang mga katutubong taga-batangan. Hanggang sa unang mga taon ng ika-20 dantaon, dito matatagpuan ang palengke.
Mapanghikayat sa diwa ang tubo ng punong Kalumpang (Sterculia Foetida).
Bagamat malaon nang nabaon sa limot ang Kalumpang bilang tirahan ng mga diwatang naghihintay ng alay, hanggang ngayo’y hinihiwa pa rin ang balat nito ng mga kababaihang nagdadalang-tao, halimbawa’y sa Barangay Simlong, upang ang dagta nito’y ipunin at ilaga. Diumano’y pampadali daw ng panganganak ang tsaang ginagawa sa ganitong paraan. Bawat hiwa sa balat ng Kalumpang, tulad nitong punong nabubuhay sa babay-dagat ng Simlong, ay nagiging sanhi ng pamumukol ng puno. Ang pagkarami-raming bukol ng punong ito ay patunay, samakatuwid, na tuloy-tuloy ang paniniwala-sa higit isang daan taong buhay ng punong ito – na magkaugnay ang Kalumpang at mga kapangyarihang tagapagpaganap.”
Source: Museo ng Puntong Batangan
Check Also
Super Health Center Rises In Taysan, Batangas
Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …