Breaking News

The LOST, the LAST and the LEAST

The LOST, the LAST, and the LEAST. Sa pasimula ng hayag na buhay ni Hesus, ang inuna niya ay ang mga huli (the last), ang hinanap niya ay ang mga nawawala (the lost), at ang itinaas niya ay ang mabababa (the least). Kaya kung sa palagay mo ikaw ay nawawala, hinahanap ka niya; kung sa palagay mo ikaw ay nahuhuli, uunahin ka niya; at kung sa palagay mo lagpag ka na sa lupa dahil sa kahirapan at pagkakasala, itataas ka niya. Good news yan, kapatid! Totoo yan, mga kapanalig!

jesus copy Although sa paningin natin di na dapat pag-aksayahan ng panahon ang nawawala, iba ang paningin ng Diyos. Iiwan niya ang 99 upang hanapin ang iisang nawawalang tupa. Mathematically ano nga ba naman ang isa kung ikukumpara sa 99? Sa mata ng daigdig ito’y walang kwenta. Pero sa mata ni Hesus, iisa ka man, ikaw ay mahalaga. Kaya dapat, hanapin ka. Mukhang kawawa ang mga nahuhuli sa pila. Sa mata ng karamihan kulelat sila. Pero sa mata ni Hesus, tinitinganan at tinititigan pa sila. Kung sa larangan ng pagpapakabuti ay huli ka, kung sa larangan ng pagpapakabanal ay di ka nangunguna, lumingon ka sa kanya at di sa dulo ng pila. Pag nakita mo ang kanyang mga mata na nakatingin sa iyo, ikaw na ang makapagsasabi kung ano ang pagkakaiba.

Last but not the LEAST, ang maliliit. Maliit ka man sa larangan ng pamemera, sa larangan ng estado sa lipunan, sa larangan ng edukasyon at karunungan, at iba pa, di ka dapat maliitin. Dahil kay Hesus ikaw ay papansinin at itataas. Huwag kang matakot. Nahihiya ka man, buksan mo ang iyong puso sa kanya. Tulad ng sinasabi sa awitin, “You raise me up.” Yan ang ginagawa ni Hesus sa maliliit.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.