Breaking News

DepEd Batangas City, patuloy sa pagsulong ng mga programang pangkalikasan

Sa inisyatibo ng Department of Education sa Batangas City, malaki ang nagiging kontribusyon ng mga paaralan sa lungsod sa pangangalaga ng kapaligiran hindi lamang sa pagpapalawak ng environmental awareness at values ng mga mag-aaral kundi sa pagpapakilos ng komunidad upang makiisa at tumulong sa layuning ito.

Sa panayam ng Barangay Frontline, sinabi ni City Schools Superintendent Teresita Reynoso na may mga environmental programs silang ipinatutupad bilang suporta na rin sa mga programa ng pamahalaang lungsod at isa na rito ay ang isinasagawang patimpalak sa Huwarang Paaralan kung saan may 97 public at private schools sa elementary at highschool ang kalahok.

Ayon kay Dr. Reynoso, ang pagpili sa Huwarang Paaralan ay hindi lamang naglalayong maitaas ang kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang kalikasan kundi isang advocacy o kampanya na gawing kaugalian ang tinatawag na 3 r’s – ang pag reduce, reuse at recycle ng basura para sa tamang pangangasiwa at pagbawas ng basura. Layunin din nito na magkaroon ng pagkakaisa at kooperasyon ang paaralan at komunidad sa pagkilos para sa kalikasan.

Aniya, magandang benepisyo ng patimpalak na ito ang pagtutulungan ng bawat isa upang maging modelo ang paaralan hindi lamang sa kalinisan kundi sa kagandahang asal.

Sinabi naman ng isa pang opisyales ng Dep Ed na si Dr. Epitacio Abella na kahit mga nasa kabundukan ay daig pa ang mga nasa kabayanan dahilan sa ang mga tao rito ay nagigising na sa kahalagahan ng pagkilos upang malabanan ang global warming.

Pumapasok din sa patimpalak na ito ang pagtutulungan ng paaralan, komunidad at ng pamahalaang lungsod sa pagkakaron ng pondo at iba pang resources upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Pinasalamatan ni Dr. Reynoso ang General Services Department sa mga service vehicles na ipinahihiram nito para sa pagbisita ng mga taga Dep Ed sa mga paaralan at ang Office of the City Veterinary and Agricultural Services para sa mga libreng pananim.

Mayroon ding programa ang Dep Ed na Adopt a Barangay, Adopt a Street, Adopt a Nursery kung saan makikita rito ang pagtutulungan ng buong komunidad para sa pananatili ng kalinisan at pangangalaga sa kalikasan.

Pinagtutuunan ngayon ng pansin sa mga paaralan ang pag-iwas sa anumang makakasira o mapanganib sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagpili sa mga bagay na gagamitin sa araw araw. Kung gumagamit ng supot o dahon ng saging sa pagbabalot ng mga pagkain noong una, dapat na ibalik ang paggamit ng mga materyal na ito sa halip na gumamit ng mga plastic na hindi nabubulok ayon pa rin kay Dr. Reynoso.

Hindi aniya titigil sa pagiging isang contest lamang ang Huwarang Paaralan kundi isusulong nito ang sustainability o gawing bahagi ng pang-araw araw ng buhay ang pagka makakalikasan. (Angela J. Banuelos, PIO Batangas City)

[tags]DepEd, Department of Education, Batangas, WOWbatangas, Batangas City[/tags]

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

2020 : Ang WORST YEAR ng BATANGAS | Banas Daily

Pinaka masamang taon na nga ata ang taong 2020 para sa atin. Nariyan ang sunod …

No comments

  1. dapat po yata pagibayuhin din ninyo ang values formation sa mga guro, lalo na sa San Nicolas District school. Isa sa mga guro doon na nagngangalang Genefer Mendoza Pesigan ay kumakabit sa isang lalaking may-asawa. Bilang isang guro at dapat na huwaran, maganda ba ang ganitong kaugalian? Pinapakita pa sa buong madla ang kanilang pagsasama, sa katotohanang pareho silang may mga pamilya na? Nakakhiya si Genefer Mendoza Pesigan!! dapat matanggal sa trabaho bilang guro iyan!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.