Over-familiarity breeds contempt. Sobrang pamilyar si Hesus sa kanyang mga kababayan kaya ayaw nilang tanggapin siya. Nakita nila kung paano siya lumaki at alam nila kung saan ang address niya. Marahil araw-araw nakikita nila ang itsura niya, kung ano ang kanyang mukha, paano siya manamit at kumilos at magsalita. Kaya tuloy siya’s binabale-wala.
Kaya mas mabuti na rin na hindi araw-araw ang himala sa ating paningin. Kung nagkaganun, baka bale-walain na rin natin. Kung nagkataon siguro na pagala-gala lang si Hesus sa mga lansangan at palengke natin, baka di na rin natin siya pansinin. Magiging ordinaryo na siya sa ating paningin.
Pero sa totoo lang siya’y laging nandiyan lamang. Narito siya sa piling natin. Di lamang natin napapansin dahil sa ingay at kaabalahan ng mundo at mga isipan natin. Narito lamang siya sa bawat araw. Sa bawat nagaganap na mga ordinaryong bagay, at sa bawat nakikita nating ordinaryong tao, naroon si Kristo. His presence makes the difference. His presence makes the ordinary extraordinary.
But why we don’t recognize him? Itanong mo yan sa iyong sarili.