Ika nga ng mamay ay galit na galit daw ang mga Batangueño sa sinaing na tulingan at tuong isinaing na nga nama’y ipiprito pa. Kung sa modernong panaho’y pwede ngang sabihin “Gigil mo si ako!” dahil gigil na gigil nanaman sa pagdukdok sa kaldero ng kanin dahil sa dami ng ating kain kapag ganare ang ulam. Kahit pa masakit ang ngipin mo’y hindi mo mapipigilan kaya sa mga karinderia’y maagang nauubos ang ganareng mga putahe.
Gusto mong malaman kung pano lutuin ang sinaing na tulingan?
Iclick lamang ang link na are: http://wowbatangas.com/features/food-and-dining/batangueno-food-sinaing-na-tulingan/