Ecstatic si San Pedro. Upon seeing Jesus transfigured Peter foretasted the glory that heaven has in store for us all. It was a glimpse of the bliss and happiness that only Jesus can assure and can give. Kaya naman “high na high” si San Pedro sa sandaling iyon habang kanyang nasasaksihan ang nagliliwanag at nakasisilaw na anyo ng Diyos. Totoo ang paalaala: “Get high with God…”
Bagaman isang sulyap lamang, ito’y nagbigay ng kasiyahan na di kayang abutin kahit ng imahinasyon ng tao. Madalas nakukuntento na tayo sa ibang mga bagay sa mundo na nakasisilaw din, tulad ng salapi, kayamanan, karangyaan, kamunduhan, at iba pa. sa pag-aakalang ang mga ito’y magbibigay ng tunay na kasiyahan, tayo’y nagagahaman at nagmamadali upang ito’y makamtan. Laking kabiguan at pagkadismaya natin sa sandaling malasap natin na ang kalugurang dulot ng mga ito ay pawang lumilipas at panandalian lamang.
We need to be transfigured too. Bagong anyo, bagong buhay ang kailangan natin at kailangan ng ating mundo. Sa halip na magpadala tayo sa agos ng pagkamakasarili at layaw, oras na upang baliktarin natin ang sistema ng ating pamumuhay. Matuto naman tayong tumulong at magbigay. Sa halip na makibagay tayo sa mga masasamang impluwensiya ng pwersa sa ating kapaligiran, oras na upang si Kristo ang ating ipaglaban. Sa halilp na mag-aksaya tayo ng panahon, oras na upang simulan natin ito ngayon.
Lahat tayo ay nangangarap ng pagbabago. Sa sarili natin dapat simulan ito. Kasi kung sa halip na ang ibang tao ang balakin mong baguhin ay nagawa mong baguhin kahit isang bagay sa iyong pagkatao ngayon at sa mismong araw na ito, at least nakakasiguro ka na may naganap na pagbabago – ikaw ‘yon!