Isa sa mga pagkakakilanlan sa ating mga Batangueño ang ating sariling punto at mga salita na kadalasan ay hindi maarok ng mga dayo. Isa din sa ikinagigiliw ng iba sa atin ay ang pagiging palatawa at palabiro. Kaya naman ng kumalat ang recording clips ni Batangas Man o mas kilala bilang Bat-Man ay maraming mas maintriga sa ating mga salita at punto. Maraming natuwa at sumakit ang tyan sa katatawa sa mga jokes na hatid ni Bat-Man at inabangan na ito ng mga tao.
Nagsimula ang “Huntahan” o “It’s Joketime” noong 2006 sa 104.7 na istasyon sa radyo kung saan sya dati nagtatrabaho. Kasama ang kanyang mga katrabaho at naisipan nilang magrecord ng mga nakakatawang jokes na may batangenyong tema at doon na nagsimulang dumami ng dumami ang kanilang mga recordings.
Ang tunay na pangalan ni “Bat-Man” ay Randy Babasa na tubong Batangas City, doon sya lumaki sa bukid kasama ang kanyang ama’t ina at sya nag-iisang anak kaya naman sya ay hasang hasa sa mga salitang batangenyo. Siya ay tatlumpo’t walong taong gulang na at kasalukuyang naninirahan na sa Tanauan.
Abangan ang kanyang mga segment sa WOWBatangas sa mga darating na araw bilang “Rudeh”.