Breaking News

Mga Brothers at Theologians nilinis ang babayin ng Taal Lake sa Balete, Batangas

Noong sabado habang isinasagawa namin ang taunang Photowalk ng mga Photographers dine sa atin sa Batangas ay naabutan namin ang grupo ng mga brothers at theolodians na naglilinis ng baybayin ng Taal Lake sa Balete, Batangas. Kung madalas natin silang makitang naka sotana at may hawak na biblia, mga sako at plastic ang kanilang hawak na syang lalagyan nila ng mga nakuhang basura mula sa lawa. Ito ang pinakaunang pagkakataong ginawa nila ang proyektong ito upang makatulong sa pamayanan at maging mabuting ehemplo sa iba. Ang mga basurang nakolekta ay kanilang inilalagay sa pampang na sya namang hahakutin at irerecycle ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Balete, Batangas.

“Narito kami ngayon para mag social service at tumulong sa paglilinis ng babayin ng Taal Lake dito sa Balete Batangas. Ito ang unang beses ginawa naming ito ng mga kasama ko sa Adorno Fathers at nais naming itong ituloy tuloy dahil alam naming magiging maganda ang resulta nito. Ang paglilinis nitong lawa ay di lamang para sa amin kundi para din sa mga naninirahan dito sa Balete.

Ang mga kasama po natin ngayon ay mga brothers at theologians mula sa Adorno Fathers Seminary. Ang mga nakuha nating mga basura mula sa lawa ay ating hinahakot dito sa tabi at katulong ang mga LGU’s ay hahakutin ang mga ito upang irecycle at yung iba naman ay ilagay duong sa tamang tapunan ng mga basurang ito.”

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.