Inaabangan na taon taon ng mga Lipeño at mga mamimiesta ang taunang parada na nilalahukan ng iba’t ibang sektor, business establishments, LGUs, Groups atbp.
Mahigit 140 ang nakilahok at pumaradang mga naggagandahang float sa kahabaan ng Ayala Highway, Lipa City noong nakaraang Enero 20, 2019. Kasama sa parada ang Mutya ng Lipa 2019 Ms Joan Ting, Miss Lipa Tourism Winners atbp.
Tuwang tuwa naman ang mga kabataan at young at hearts na din sa mga pinamimigay na candy atbp na nag abang na din ng maaga sa tabi ng kalsada. Patungo ang mga karosa at mga pumarada sa Lipa Cathedral.
Larawan ni Edison Manalo at Eric Dale Enriquez