Nagkulay light blue ang Lawa ng Taal kanina sa bandang Talisay, Batangas, ika-29 ng Enero 2019 dahil sa Sulfur Upwelling. Ang Sulfur Upwelling ay ang pag angat ng sulfur na nagmumula sa Taal Volcano patungo sa ibabaw ng tubig ng lawa.
Bagaman maganda ito sa paningin dahil sa kulay nito ay di naman maganda ang epekto nito sa mga isda dahil maaring magdulot ito ng fishkill dahil sa pagbaba ng oxygen sa nasabing lawa at maaring makaapekto sa kabuhayan ng mga taga rito.
Kaninang umaga ay pinuntahan na ito ng BFAR 4A (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Calabarzon) upang magsagawa ng mga test at imonitor ang kalidad ng tubig.
Photos by Rabin Fernando Canuzo | Panulat ni Razell-Anne Lumanglas