“First time ko magphotowalk sa Brgy Wawa, Nasugbu, noong una wala akong ideya sa lugar na ito. Ngunit ng pagtapak ko sa Pier pa lamang ng Wawa Port ay nagulat ako sa aking nadatnan. Ang lugar na ito ay nagpapaalala saken ng Baseco, Tondo, Manila. Bilang may hilig sa larangan ng Potograpiya, natuwa ako sa mga ganap na nakikita ko sa dito. Matatagpuan dito ang mga malalaking Bangkang pangisda, mga batangas naglalaro at naliligo sa dagat, sa gilid naman ng pier ay mayroong mahabang baybayin ng dalampasigan kung saan nakaparada ang mga malilit na bangkang mangisda. Ang Dalampasigan din ang nagsisilbing malawak na palaruan ng mga batang nakatira sa tabi ng dalampasigan. Masayang nakihalubilo ang mga bata sa amin na bukod sa masiyahin at mabubuting tao’y kasabik sabik rin ang paglubog ng araw mula sa dalampasigan ng Wawa Pier.” – Angelo Peter DelaCruz Javier
Larawan ni Angelo Pete DelaCruz Javier