Breaking News

Batangas Lakeshore Earth, Wind and Water Festival Season 6

Nasubaybayan namin mula noong 2016 ang Batangas Lakeshore Earth, Wind and Water Festival na sinimulan at binuo ng LIMA Park Hotel at First Asia Institute of Technology and Humanity. Layunin ng programang ito na ipakita ang ganda ng Batangas at maipromote na din ang Eco-Tourism dine sa atin!

Iba’t iba ang tema taon-taon na kadalasang ginaganap sa Balete, Batangas. Ngayong taon ay dinala naman tayo ng LIMA sa Lake Point Manakah, Mataasnakahoy, Batangas. Isang 15 minute boat ride lamang ito mula sa Amore Point sa Balete, Batangas. Tunay namang maeenjoy mo ang view at mas maappreciate mo ang ganda ng Taal Lake habang sakay ka ng “The Queenfisher”.

Pagdating namin ng Lake Point Manakah ay mamamangha ka sa kakaibang view ng Taal lake at Taal Volcano na matutunghayan mo. (Abangan ang Full feature ng Lake Point Manakah sa aming website)

Pagkatapos ng ilang minutong pagpapahinga ay agad sinimula ang Batangas Earth, Wind and Water Festival Season 6. Ilan sa mga activities ay Solo Kayak Racing, Team Kayak Racing, Dragon Boat Race, Dragon Boat Tug of War.

Isa sa highlights din ngayon taon ang pagsabay ng Taal Lake Oz Goose National Championships 2019 kung saan nagpaunahan ang 21 Sail Boats mula sa kabilang bahagi ng Taal Lake patungo sa Lake Point Manakah.

Are ang listahan ng mga nagwagi:
Kayak Singles (Men)
Jason Quiminale- 4:48:39
Reynaldo Perez- 5:10:29
Joseph Malabanan- 5:17:86

Kayak Doubles (Mixed)
Jayson Quiminale & Tess Serrano- 4:09:23
Joseph Malabanan & Lea Corpus- 4:15:79
Reynaldo Perez & Alecks Veran 4:27:59

Dragon Boat Tug of War
Team 4
Team 1
Team 2

Dragonboat (200-meters sprint)
Team 1
Team 2
Team 4

Mga nakaraang Batangas Lakeshore Earth, Wind and Water Festival!
Batangas Earth, Wind and Water Festival Season 5 (2018)
Batangas Earth, Wind and Water Festival Season 5 Vlog (2018)
Batangas Earth and Wind Festival Season 4 (2017)
Batangas Earth and Fire Festival Season 3 (2016)

Larawan ni Rheny Manalo | Edison Manalo | Droneshot ni Richard Hidalgo

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.