Breaking News

To Believe Is to See

Nagdududa ka ba sa Diyos? Tulad ka ba ni Doubting Thomas? Maaring isipin mo na hindi matibay ang pananalig niya sa kabila ng pagiging isang apostol niya. Subalit makakatulong kung suriin muna natin ang kalikasan ng pananampalataya. Kahit ikaw man, maari mo ring maliitin ang sarili mo dahil sa mga pagdududa na sumasagi sa isipan mo. Mas mabuting unawain natin ang tunay na kahulugan ng pananalig upang maunawain din natin ang maraming Doubting Thomases sa atin.

Faith is about things we do not see. Tulad ng Diyos, di natin siya nakikita, pero naniniwala tayo na umiiral siya. Ganun din ang langit, di ito nasasaksihan pa ng ating mga mata pero nananampalataya tayo na meron ngang langit. Kaya hindi talaga makatwiran na kailangan munang makita para tayo manampalataya. The opposite is true: makikita mo ang katotohanan ng Diyos at ng mga bagay na sinasampalatayanan kung uunahin mong manalig. The object of faith are the things that are unseen by naked eyes. This is the reason for the title of this article. Baluktot ang katwiran na “to see is to believe.” Ang tama: “to believe is to see.”

In fact when Thomas exclaimed, “My Lord and my God,” he professed his faith on what is unseen, that is, the Lordship and the divinity of Jesus! Nobody can ever see such profound mystery. But through the eyes of faith such reality can be grasped. Yes, Thomas may have waited for some conditions to be fulfilled before he professed his faith, but the truth is, he believed in the unseen and, as consequence, he was able to see not with human eyes but with the eyes of faith.

Mahina ba ang iyong pananampalataya? Baka naman kasi sobrang pinaandar mo ang iyong isip. Bakit di mo subukang paandarin ang iyong damdaming naghahanap sa Diyos at sa mga bagay na lingid sa ating mga mata. Huwag mo sanang kalimutan na ang pananampalataya ay biyaya din ng Diyos. Hilingin mo sa kanya na tulungan kang palakasin ang iyong pananampalataya. And don’t be afraid to take the plunge. It may prove risky. But this is where we get the very word “pananampalataya.” The root word is “taya.” Faith means “pagtataya”: itataya mo ang sarili mo sa Diyos; itataya mo ang destiny mo sa kanya; itataya mo ang iyong buhay alang-alang sa pag-ibig mo sa kanya.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.