Breaking News

Ika-2 Tinindag Festival sa Taysan, Batangas, sinimulan na

Kahapon, dumagsa ang mga taong nakiisa sa unang araw ng ika-2 Tinindag Festival sa bayan ng Taysan kung saan bumida ang Banderitas Making Contest kasabay ng mga programang Trade Fair at Blood Olympics na hinandog ng kanilang pamahalaang lokal. 

Sinimulan ang araw sa pagdiriwang ng misa sa Parokya ng Mahal na Ina ng Awa na pinangunahan ni Fr. David Sandoval, MSP. Kasunod ay pormal na binuksan ang Trade Fair sa pangunguna ng kanilang alkalde Grande Gutierrez, kasabay ang pagsasagawa ng Blood Olympics na pinangunahan ni Dra. Ma. Rosita Daisy Redelicia.

Ang Tinindag Festival ay hango sa salitang tindagan kung saan ay nais ipamalas ang pagkakakilanlan ng produktong isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayang Tayseño.

“Doon sa Tinindag Festival ay nagkakaroon ng awareness ang mga kabataan na ‘yong mga ginagamit nila pantusok sa night markets ay isang source of income sa isang maliit na bayan dito sa aming bayan sa Taysan,” sabi ni Irene Untalan, tourism officer ng Taysan.

Ipagdiriwang ang Tinindag Festival mula Nobyembre 5 hanggang 11. Sa huling araw gaganapin ang kanilang Street Dance Contest  at sikat na mahabang hayin ng mga tinindag na pagkain.

Mga litrato nina Edison Manalo, Ruel Manalo, at Ryan Tibayan

About Associate Editor

Edge An is the Associate Editor of WOWBatangas.com. If you have any concerns, reach him through his email editor@likhainternet.com

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.