Ang barbecue sticks o pantindag ang sentrong konsepto na bumubuo sa Tinindag Festival ng bayan ng Taysan. Simple man, ito ang pinakamalakas na produktong inaangkat ng mga Tayseno sa ibang bayan.
Ipinagdidiwang ang Tinindag Festival tuwing Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng Taysan, Nobyembre 11. Ngayong taon, sa kanilang ika-101 na anibersaryo, natampok ang mas maraming pagkain na tinindag kagaya ng mais, saging, manok, litson at iba pang meat products.
Pinangunahan ni Hon. Grande Gutierrez, alkalde ng Taysan, kasama ang ibang kasapi ng Sangguniang Bayan ang ika-2 Tinindag Festival katulong ang Republic Cement at iba pang sponsors tulad ng mga kooperatiba at organisasyon ng simbahan.
Nito rin pinarangalan ng kanilang pamahalaan ang mga nanalo sa Banderitas Making Contest na nagtampok ng mga banderitas na gawa sa recycled materials.
1st Place – Barangay Bacao
2nd Place – Barangay Tilambo
3rd Place – Barangay Mabayabas
Bumida rin ang Street Dance Competition at Festival Queens ng mga mababang paaralan sa buong bayan.
Street Dance Competition
1st Place – Barangay Pinagbayanan
2nd Place – Barangay Dagatan
3rd Place – Barangay Sto. Nino
Festival Queens – Barangay Sto. Nino
Best Festival Costume – Barangay Sto. Nino