Breaking News

Simbahang Bato sa Brgy. San Gabriel, Laurel, Batangas

Kilala ang bayan ng Laurel, Batangas bilang isa sa mga agri-eco-tourism site dine sa atin sa Batangas dahil ang malaking bahagi ng bayang ito ay binubuo ng lawa, kabukiran at kagubatan.

Dayuhing dayuhin din ang bayan na ito dahil sa mga natural attractions tulad ng Malagaslas Springs at Ambon-Ambon Falls lalong lalo na kapag tag-araw.

Isa namang mala-alamat na kwento ang bumabalot sa isang kweba sa Brgy. San Gabriel, Laurel, Batangas na ngayon ay mas kilala sa tawag na “Kapilya ni San Gabriel Archangel” o “Simbahang Bato”.

Ayon sa mga matatanda, bago pa man naging simbahan ang lugar na ito ay tinuturing itong sagrado ng mga lokal. Nababalutan ito ng mga malalaking puno at halaman at tanging mga ibon at ligaw na hayop lamang ang nakakalapit dito. May mga nagsasabi ding nakakarinig ang mga mamamayan ng mga magaganda at kakaibang musika mula dito. Ngunit, sa kabila ng ganda nito ay walang makalapit sa paniniwalang sila’y magkakasakit ayon na din sa mga sinubukan lumapit dito.

Sa pagdaan ng panahon, unti unti din itong nalapitan ng mga tao at tanging mga huni na lamang ng mga hayop at ibon ang kanilang naririnig. Nagsilbing taguan din ito ng mga mamamayan noong panahon ng hapon. Sinasabing mayroon din itong sekretong lagusan patungo sa Brgy. Paliparan, Laurel, Batangas.

Nang matapos ang digmaan, ang dating kinatatakutang kweba ay naging kanlungan ng mga mamamayan kapag may malalakas na bagyo. Pagkaraan pa ng ilang taon ay minabuti ni Fr. Ben Meraña na gawing simbahan ang kwebang ito. Hanggang ngayon ay patuloy pa din itong dinarayo ng mga deboto lalong lalo na kapag Semana Santa.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.