Breaking News

Pagdiriwang ng ika-156 Anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Apolinario Mabini sa Tanauan, Batangas

Kahapon, ika-23 ng Hulyo, 2020 ang pagdiriwang ng ika-156 na anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Apolinarion Mabini na mas kilala sa bansag na “Dakilang Lumpo”. Kilala din sya bilang “Utak ng Himagsikan” at siya rin ang nagsilibing tagapayo ng mga bayani tulad ni Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Isa din siyang Batangueño at ipinanganak sa Tanauan, Batangas.

Bagaman mayroon tayong pandemyang kinakaharap dulot ng COVID19 ay binigyan pugay at parangal ang Batangueñong bayani kahapon sa Tanauan City, Batangas sa pagtutulungan ng Lungsod ng Tanauan at Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas. Tiniyak naman ng Lungsod ng Tanauan ang pag sunod ng mga dumadalo sa itinakdang regulasyon ng IATF at DOH kaugnay ng kinakaharap nating pandemya.

Nakaroon ng sabay na pag aalay ng bulaklak sa harap ng Plaza Mabini at sa Dambana ni Apolinario Mabini sa Brgy. Talaga, Tanauan, Batangas. Nagkaroon din ng pag awit ng Pambansang awit ng Pilipinas at pagtataas ng Watawat. Kasabay nito’y binigyan pugay din ang ating mga “Frontliners’ na syang mga modernong bayaning nagsasakripisyo para sa ating kinakaharap na pandemya.

“Nararapat lamang na ipagpatuloy ang pagpaparangal sa isang Dakilang Tanaueño na naging dahilan upang mapabilang ang lungsod sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang kanyang angking tapang, dedikasyon at pagkamakabayan ay nagsilbing inspirasyon at patunay na kahit na maraming naging hadlang upang makamtan ang kanyang mabuting hangarin para sa bayan, ay hindi sya nagpatinag at nagpadaig sa iniindang kapansanan, bagkus ginamit ang talino at pagmamahal sa bayan para makamit ang kalayaan na tinatamasa natin ngayon”
– Kgg. Punong Lungsod ng Tanauan Mary Angeline Halili,

Kabilang sa mga naging bahagi ng nasabing aktibidad sina: Bb. Olga R. Palacay, Senior Shrine Curator ng Museo ni Apolinario Mabini, Tanauan at kinatawan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas; Kgg. Mark E. Leviste, Pangalawang Punong Lalawigan at kinatawan ng Tanggapan ng Punong Lalawigan ng Batangas; Kgg. Mary Angeline Yson Halili, Punong Lungsod ng Tanauan; Kgg. Atty. Herminigildo G. Trinidad Jr., Pangalawang Punong Lungsod ng Tanauan; Kgg. Isidro M. Fruelda, Pangulo ng Liga ng mga Barangay; Kgg John Kennedy N. Macalindong, Pangulo ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan; Kgg. Rico Talagsad, Sangguninag Barangay ng Talaga at kaanak ni Apolinario Mabini kasama din si G. Allan P. Credo, City Administrator

Larawan mula sa Museo ni Mabini Tanauan, CIO Tanauan, Roderick Lanting

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.